Maganda kung kakukuha lang ng ibinilad na butil ng palay
O kaya pagkatapos mag-araro
Pero pinakamaganda pagkatapos ng gapas
Lalo na kapag hindi binaha ang palay.

Yung pagod na pagod tayong lahat
Basang-basa ang mga balat
At kumukulo ang mga pawis.
Parang kumukulong pritong sikling
Na hinuli sa bukid
O kaya itik
Kung merong nagpastol
Na mapagbibilhan
O mahihingan.

Pero kung wala
Magpabili nalang tayo ng chichiria sa Diego
Kay Ising

Buksan niyo na ang radyo
Ilakas niyo
Basta makapag-uusap pa rin tayo

Buksan na ang dos por dos
At punasan na ang mga baso
Simulan na natin
Ang pagpapagaling
Ng mga sugat ng puso.


Mula sa Pangasinan: Inuman Ed Di Mang Ador