Uwak
Na lumilipad
Sa ibabaw ng mga mais

Magkasintahang
nakasandal
sa likuran ng isa’t-isa

Matandang
nagpapahinga sa damuhan
nakahiga sa tagiliran

Binatang nakayuko
Nagsusumamo

Lahat sa lupa’y
Humahawak
Sumasaklolo