ni hindi ako gaanong marunong sumulat.
Marunong lamang akong
sumunod sa kung ano
ang masarap sa pakiramdam.

Wala akong alam sa gramatika.
Diko naiintindihan ang poetika.
Ang alam ko lang ang magtaka
sa kung ano ang nakikita,
naaamoy, nalalasahan, nadarama.

Wala akong matayog na pangarap.
Makaraos lamang sa araw na ito’y sapat na.
At kung papalarin
maramdamang ako’y buhay na buhay
at nagdiriwang.

Kung sa tula man o sa awit
o sa sayaw o sa guhit
hindi mahalaga.
Basta ako’y malaya, masaya,
humihinga ng maginhawa.