Ilog ako ang mga hinagap at damdamin koy dumadaloy sa kailaliman at paminsan-minsay tumitilamsik sa baybayin. Bagaman madalas tahimik lang ang agos ko, sa pagragasa ng tubig ulang nanggagaling sa tuktok ng mga bundok sa paligid ko, umaapaw ang mga mithiin ko Gustohin ko man, hindi ako kailan man makahahawak sa ano mang bato o puno. Ang tubig na dumadaloy sa loob ko ang gumigimbal sa ano mang plano, ano mang bato.
Sa bilis ng pagdating at pagalis ko, nalalagas ang ano mang itayo kong ako.
Ako ang bukas At ang araw pagkatapos ng bukas
Ako ang sandaling ito na dito rin magwawakas
I am a river. My thoughts and feelings flow underneath me but sometimes splash on my banks. My waters are often quiet, but when rain water rages from the mountains around me, my dreams brim over. Even if I desire it, I couldn’t hold on any rock or tree. The waters that flow in me roil any plan, any rock, any tree. With speed of my coming and going, I shred whatever I erect as me. I am tomorrow and day after tomorrow. I am this moment that here too ends.