Kamakailan lang natapos kong basahin ang librong The Gift ni Lewis Hyde, isa sa mga napakaraming librong matagal na hinanap ni Rem sa ilang Booksale branches na madalas niyang dalawin pati sa mga online bookshops sa Facebook. Magkasabay naming binili ang kopya namin nito dahil saktong nagrelease ang isang online bookshop ng dalawang kopya at kami ang unang nag-dibs. “Kapag bumibili ka ng libro, parati kang bumili ng dalawa,” turo niya sakin. Bilang isang minimalist, may resistance ako sa advice niyang ito (among many other beliefs niya na niresist ko). Ayokong magimbak ng libro at magkaroon ng library tulad niya lalo’t nakita ko kung paano niya pagsakitan ng ulo ang pagaayos ng kwarto niya at panlumuhan ang mga libro niyang kinain ng anay.
Ngayon, ngayon na nakikita ko ang lahat ng buhay na nahawakan ni Rem, ang richness ng community niya, nauunawaan ko na ang wisdom ng turo niyang iyon. Bumili ka ng dalawang kopya ng libro, dahil ang isa ipangreregalo mo.
Kay Rem, lahat ay tungkol sa kapwa. Lahat ay tungkol sa iba. Ayaw niya ng may napang-iiwanan. Galit siya sa mga tao at institusiyong gusto sila sila lang. Pangarap ni Rem na lahat ng uri ng tao matutunang tumula, mabigyang boses. Ang vision ni Rem ay cultural transformation na nagsisimula at nakalapat sa tao. Yun ang ilang beses niyang sinabi sa akin, kay Claire, at malamang sa mga pinakamalalapit na kaibigan niya. Isang purpose na na-articulate lamang niya nitong mga huling taon ng kaniyang buhay. Pero sa apat na pung taon na naglakad siya sa mundo, kahit hindi pa niya nauunawaan kung bakit nandito siya, lahat ng ginawa niya gaano man kaliit ay papunta sa mithiing iyo. One relationship at a time. Maski sa pinaka-selfish moments niya, moments na kinailangan niyang mag-isa at lumayo sa iba, iniisip niya tayo, tayong mga mahal niya at nagmahal sa kaniya. Pati sila na hindi pa niya nakikilala at natututunang mahalin.
Kahit kailan man hindi ko nasabi kay Rem na secretly tinatawag ko siyang matalik na kaibigan. Hindi ko kailan man ginamit ang mga salitang yun sa kaniya although nasabi ko sa kaniya minsan na pagkatapos ni Lea, siya ang pinakanapagbuhusan ko lahat, kinoconsider ko ang relationship ko sa kaniya bilang pinakamature at developed. Hindi ko rin narinig sa kaniyang tawagin akong matalik na kaibigan. Pero paminsan-minsan nararamdaman ko yun. Paminsan-minsan nararamdaman kong may mga bagay na sa akin lang nya nasasabi. Hindi ko alam kung paraan niya yon ng pagpaparamdam sa akin kung gaano ako kahalaga sa kaniya o sadyang tumatakbo lamang siya sa akin, sabik, minsan desperado na may makinig sa kaniya. Dahil kahit gaano siya ka-superhero sa harap ng publiko, minsan pati sa akin, nakita ko si Rem na katulad nating lahat, nakikipagbuno sa kaniyang nakaraan, sa kaniyang pakiramdam, sa kaniyang mga insecurities, sa mga regrets, sa mga planong hindi alam kung kelan darating. Isa sa mga regrets ko sa pagkawala niya ay ang hindi man lang pagclarify kung ano ba talaga kami sa isa’t-isa. Rem, ano ba talaga ang status natin?
Nagsimula ko siyang makilala noong ako’y lumong-lumo, nag-iisa noong 2017. Limang taon bago noon, noong 2012, iniwan ko ang kinagisnan kong religion, along with that my entire community. Hindi na ako naniniwala sa inyo. Bahala kayo diyan. Makahahanap ako ng bagong community mag-isa.
Limang taon pagkatapos kong umalis ng relihiyon, madalas pa rin akong naglalakad mag-isa. Ang girlfriend ko noon, na nakilala rin ni Rem, asa QC, ilang milya ang layo sa akin sa Pangasinan at nakatira pa rin ako sa mga magulang ko, na mas naging aktibo sa simbahan.
Lumong-lumo ako noon. Nag-iisa. Nagdadalawang isip sa ginawa kong desisyon.
Noong 2016, a year before kong makilala si Rem, narealize ko na bagaman hindi na ako nagreresonate sa fundamentalist evangelical Christianity, palatanong pa rin ako sa malalalim na mga tanong tungkol sa buhay at existence, at may malalim pa rin akong sensibilidad sa kahulughan ng buhay. Intention ko noong 2016 na maghanap ng “spiritual” community. Nag-aral akong mag-yoga at nagretreat sa Palaui. Nag-Zen meditation ako at ilang beses nagsesshin sa Baguio. Lahat nang mga karanasang ito ay nakatulong para makilala ko ng higit ang aking sarili, pero hindi nila napuno ang puwang na iniwan ng pag-alis ko ng dati kong simbahan - ang puwang ng tunay na pagkakaibigan na ang depenisyon namin ni Rem ay kapag nagkarinigan at amuyan na ng utot, yun na yun.
Sa taong yun, 2016, habang naghahanap pa rin ng mga spiritual-oriented communities, nabasa ko ang isang article sa Rappler. Ang pamagat ng article na yun ay “Ginhawa: Wellness for the Filipino Soul” isinulat ng isang Claire Madarang. Hindi ko pa noon alam pero ito ang magdadala sa akin sa bago kong komunidad at magpapakilala sa akin sa mga taong tatawagin kong pinakamalalapit kong kaibigan.
Mula sa article ni Claire, nakilala ko ang Ginhawa at noong February 2017 umattend ako ng kauna-unahan kong Ginhawa retreat. Doon ko unang nakilala si Rem. Magaan ang loob ko kaagad sa kaniya. Doon ko una siyang natunghayang magbasa ng I-Ching, magfacilitate, at sumayaw. Punong-puno ng buhay si Rem maski noon pa. Pero ang pinakafond memory ko sa kaniya noon ay ang madatnang natutulog siya sa loob ng men’s dorm sa pinakamalayong kama tanghaling tapat habang ang lahat ay busy sa labas na nagwoworkshop. Later ko lang nalaman na trademark pala talaga niyang matulog at unfortunately parating sa mga Ginhawa events ito nangyayari. Naaalala ko pa, pinagmasdan ko siya noon. Humihilik. Sa sandaling yun, doon ako nagdecide. Ah, kakaibiganin ko tong taong ito.
At kinaibigan ko nga talaga siya.
Nagkita kami muli ni Rem sa Rumi event na inarrange ni Ime at kung saan siya ay isa sa mga nagbasa ng tula ni Rumi. Ang pakilala sa kaniya ay isa siyang Love Teacher. Pagakyat niya sa stage kaagad siya nagbiro, “Maski ako rin po naguguluhan sa ibig sabihin ng Love Teacher. Kung may tanong po kayo pag-usapan po natin mamaya.” Siguro nagkaroon siya ng mga bagong kliyente pagkatapos magbiro.
Mula doon, ininvite ako ni Rem sa FLOW kung saan talaga nabuo ang pagkakaibigan namin. (Find details). Ininvite ko siyang magparticipate sa ebook project ko at pumayag siya.
Kasama ko si Rem sa mga pinakamahihirap na pagsubok na pinagdaanan ko. Noong dumaan ako sa break up ng 6-year relationship ko, siya ang isa sa dalawang kaibigan na araw-araw ko halos kausap para makamove on. At noong nagsimula na akong magdate muli at makilala si Lea, siya rin ang isa sa pinaka-unang nakaalam ng mga impressions ko sa bago kong ka-date. Dahil taga QC si Lea at Pangasinan naman ako, nakilitulog ako kina Rem sa Batangas right after ng dates namin. Maganda ba? Kumusta siya? Ang mga unang tanong ni Rem sakin. Sa pagdalaw-dalaw kong yon sa Batangas naging kaibigan ko rin ang mga kapatid, mga pinsan, at nanay ni Rem. Naka-ilang kain din ako sa mga birthday nila. Miss ko na po ang pancit niyo Tita Kora. Ang ma-embed sa pamilya ng kaibigan ko ang isa sa pinakasatisfying na karanasan na ipinaramdam ni Rem sakin.
Pandemic days
- Tungko
LB days
- Bahay-bahayan
- LPH
- Satya
- Inner circle
Mga regrets
Mga mamimiss ko
- Ang mahahabang kuwentuhan natin sa balkonahe niyo na ineextend pa natin maski sa kama pag matutulog na
- Ang paglolomi natin magkasama
- Ang mga favorite mong linya: major, for some reason, tuloy daloy, and I thank you
- Pero higit sa lahat mamimiss kong pisilin ang utong mo
Paalam kapatid. Paalam. Paalam. Paalam.
Rem’s hardships and insecurities.
Isa sa mga privilege na maging malapit na kaibigan ni Rem ay ang makita ng malapitan ang mga struggles at insecurities niya.
Napakagaling na makata ni Rem, at may malalim na understanding sa Filipino. Pero still insecure siya sa pagtula to the point na ilang taon niyang iniwan ito.
At hindi lamang ang pagtula ang iniwan ni Rem. Marami siyang sinimulan, sinubukan, at iniwan. Tulad nating lahat nageeksperimento, naghahanap sa ano mang wala.
Noong makilala ko siya mula 2017-2019, nasa gitna siya noon ng pagpproseso: ano ba talaga ang kailangan kong gawin? Sabay dito ang struggles niya sa pagsupport sa art niya.
Mahirap siyang makita na nasa ganoong kalagayan.
Kaya naman lahat kami ay lubhang naging sobrang saya na itong mga huling taon ng buhay niya ay ang pinaka-puno, pinaka-vibrant na parte ng creative life niya. Mula sa hindi ko alam kung ano ba talaga ang gagawin ko, una kong narinig kay Rem na, “This teaching poetry, I could do this forever.” Nahanap ni Rem kung ano ba talaga ang nagsusustain sa kaniya at nagfully commit siya doon. Pagkatapos ng ilang taong paglalakad sa ilang natagpuan ni Rem ang tahanan niya at doon nagsimula siyang bumuo ng balon, balon na siyang iigiban ng marami sa atin dito.
Sa lahat ng ginawa ni Rem, ang Tungkomunidad ang pinakamamahal niya, ang pinaka-proud siya.
Tungko
The seeds of formalizing his ideas on poetry began in our conversations in his balcony. I dont have proof to this other than memory. But I would wager that he has proof. Because he records everything. The evidence is in his phone. Our convos are all there, unless he transferred it to his laptop.
Long before there was Tungko, Rem and I conceptualized what we then called Ginhawa Poetics.
I was actually hesitant about a curriculum. I secretly disagree to some of what he teaches at Tungko. But this was understandable. I am an agnostic with deep “spiritual and religious” sensibilities. I scoff at talks on energy, crystals, prayers, angels, longdistance healing, etc. Even if I ponder on deep existential questions. On the other hand, Rem is so open. He accepts almost everything, allows everything to flow to him to the point that it was ok for him that he contradicted himself.
I kept my disagreements secret most of the time. But Sometimes not so secretly. I have copies of our long conversations thru chat, with me posing questions and challenging him. He would not respond thru chat. He is a poet and a lazy writer after all so he would record his answers. I rebutted his answers. We only stop when he stops responding. Thats when I know nasaid ko na patience ng kaibigan ko.
But no matter our differences, I felt something when I saw Rem blossom into a leader, a teacher a poet. thru Rem I learned that no matter how u disagree with someone you can still feel extreme joy with his wins, support him, and celebrate with him, cheer him on so he can continue. Because at the end of the day, it is his wellbeing, his health, his happiness that you are most interrsted in, devoted in, not his religious beliefs.
Rem taught me faith. Faith not on an invisible power but on humanity, our ability to coexist and thrivr not despite but because of our differences. My relationship relationship with R relationship was proof that a world of tolerance is possible, something I believe he also aspires to in his work.
The first public fruiti
Kung may magtatanong sa akin kailangan mo ang kidney ko hindi ako magdadalawang isip na ibigay ito. In fact, hindi ako magdadalawang isip na ibigay ang buhay ko para sayo.
Return to your messages. Seek what Rem was troubled about.
Who was Rem?
- he loves to flow and yet he cannot create without structures. Weeks and even weeks could pass without him doing anytjhing just because his books were eaten by termites and he hasnt fixed them yet.
- He calls himself introverted and he does have moments long stretches of times when he wants to be alone. And yet he energizes himself by people.
- He said that when he doesnt conduct Tungko, he feels troubled. He needs to do his work be ause it makes him sane.
- He is esoteric. He believes in miracles, powers of prayers, and yet he also professes in science. Med rep ako bago ako naspiritual2 sabi niya sakin minsan.
Rem had demons
- he talked about experiencing abuse when he was you g
- He had insecurities to his writing
- He secretly envied me because I finish reading books while he struggles to start the large library he has accumulated.
- He feels he cant do philosophy and analyze and that he is just a poet (only to realize this year that he was very interrsted in doing research). He jumped into Zettelkasten.
No matter how imperfect our friendship, there is one fact I am super proud of about my relationship with him, something I couldnt say even with my relationship with Lea. Ni minsan hindi kami nagkaroon ng tampuhan o sagutan. Kung nagtampo man kami sa isat isa, madali naming nakalimutan yun dahil mas mahalaga sa amin kung anong meron kami.
I dont know if anyone could replace rem. I will try to move on and continue looking for a place to call my home. I will never leave Claire and all the friends I made thru Rem, including his family, which I had the privilege of meeting and bonding with.
But no one can fill up Rem and I am ok with that. No one should be able to.
Rem was a prophet, a seer, or even, dare I say, a mystic. Because he saw things, and he believes that everyone of us can see things. Everyone can write. Everyone can be a poet. He doesn’t have to but he has a strong desire to prophesy, much like Whitman and Thoreau felt. He would say, it is changing now. Things are changing now.
Sobrang daming tulang binasa ni Rem sakin pero pinakapaborito ko ang pinakauna niyang tulang narinig ko. Binasa niya ito nang hindi sinasabing sinulat niya ito. Sabihin nating yun ang initiation ko sa poetry. Bagaman nagsusulat ako ng lyrics sa banda noong high school, at minsan nagpadaloy ng tula habang nasa himpapawif ng Cotabato, hindi ako mahilig magbasa ng tula.
Pero nang marinig ko ang tulang ito, napukaw ako:
(Read kapayapaan)
Sabi ni Lewis Hyde sa libro niyang gift, malalaman mo kung gaano ka kalapit sa isang tao kung gaano ka kahesitant idonate ang kidney mo pag kailangan na niya. Si tita cora hindi yan magaatubili. Mga kapitd ni Rem hindi rin. Lalo na si Claire. Ako? Hindi rin.
I never really felt that Rem depended on me. Maybe he tried to depend on me but I failed him or I rejected his offer. But me I depended on him a lot. I exploited Rem!
Kapag hindi ako naghohold ng poetry class Vince, kapag hindi ako nagtutungko, I feel so