Tahimik na tahimik rito sa Madamba ngayon Walang marinig kundi ang sipol ng tren sa malayo na bumibiyak sa katahimikang pinagpipiyestahan ng mga kulisap at palaka.

Madilim na madilim ang Copeland Gynasium. Tanging ang pulang ilaw na nakasindi sa loob nito ang nakikita sa loob.

Habang naglalakad ako, pinapanood ako ng mga hollow blocks, punit punit na sako ng semento, mga matutulos na bakal, at iba pang iniwan ng mga trabahador na nagbakasyon ng ilang araw.

Tumayo ako sa tabi ng matayog na puno ng acacia. Humarap sa kadiliman. Nagbaba ng shorts at nagsimulang magdilig.

Payapa ang lahat ngayong gabi sa Madamba. Payapa. Payapang-payapa.


I want to spend more time reading and learning about nature rather than society.


Everyone is in the park But everyone is looking at their phones