Ginamit at ginagamit ng ilang Pilipinong manunulat ang paglalakad sa kanilang pagsusulat. Ginagamit ng Pambansang Alagad ng Sining na si Ricky Lee ang paglalakad bilang situmulant at metodolohiya para makahanap ng materyal para sa kaniyang mga kuwento. Sa libro niyang Trip to Quiapo, inihalintulad niya ang pagsusulat sa paghahanap ng ruta patungo sa Quiapo, ang representasyon ng mahusay na pagsusulat. Para kay Ricky Lee, ang husay ng isang manunulat ay masusukat sa kahandaan niyang lumihis mula sa konbensyonal na mga pamamaraang natutunan niya sa ibang manunulat. Ang paglihis na ito ay ihinalintulad niya sa paghahanap ng bagong ruta papuntang Quiapo, isang proyektong mas madaling matatapos sa pamamagitan ng paglalakad at pagbababad sa mga kalsada’t daan. Inihalintulad rin ni Rene O. Villanueva ang pagsusulat ng personal na sanaysay sa paglalagalag: “Yong mga personal na sanaysay ay parang paglalagalag ‘yan na ang nasa isip mo agad ay ang pagkaligaw para matagpuan ang sarili. Ako hindi. Inaabangan ko ‘yong mga naligaw at kung paano nila ako hinahanap para makauwi sila.”

Maaaring gawing literal ang mga paghahalintulad na ito. Ang ilang manunulat na Pilipino na gumamit sa paglalakad bilang metodolohiya ng pagsusulat ay nakaproduce ng mga sulating immersed sa mga kalsada

tulad ni J. F. Lacoba sa “The Annotated Catechism” at sa klasik niyang “Ang Kagilagillas…”

Pedestrian Studies na nasa libro niyang There is No Emergency ni Conchitina Cruz

At ang dalawang libro ni Vincenz Navarro

Ang mga gawang ito ay parang one of events. Interesado akong malaman kung paano papasok ang practice sa literatura ng paglalakad sa Pilipinas. Madaling macapture ng isang tula ang isang lakad. Subalit paano maka-capture ang practice ng paglalakad at pagsusulat.

Nasa form ang sagot.

Obviously, ang sagot ay hindi makakapture ng iisang published work ang mga salitang ibinubunga ng walking practice. Kung gayon anong form ang makakacapture dito?

(Then switch the diskusyon to form.)

Ang form ay archives na binibuo ng mga borador.

Then argue why the archives is the best form for a walking practice.