Introduksyon

maigi ka lang hanggang sa huling naisulat mo

huwag makampante sa mga dati nang nagawa

mula sa kalagitnaan ng dekada ‘70 at marahil hanggang sa dulo ng dekada ‘80, susuriin ko ang yugtong ito at tatawagin kong ikalawang ginintuang yugto ng guland Pilipino

Ang unang maningning na yugto ay naganap noong mga unang taon ng Siglo ‘20 na kinakitaan ng mga tinatawag na sedisyong dula.

wala rin akong pormal na pag-aaral sa pagsulat ng dula.

Papaloob sa sarili ang oryentasyon ng pagkamakata. Papalabas naman at pakikipagtulungan sa komunidad ng mga magtatanghal ang sa dula. Kaya rin, kapag itatanghal ang aking dula, tinitiyak kong nakapupunta ako sa mga rehearsal nito, hindi upang makialam bagkus upang makita ang ibang artistikong anggulo mula sa direktor, aktor, taga-ilaw, at iba pa.

Itinuturing ko ang pagsusulat ng dula bilang paglikha ng daigdig. Tuwing bumubuo kasi tayo ng isang sitwasyon na isasadula, parang lumilikha tayo ng natatanging daigdig: may mga naninirahan dito, may tiyak na lugar at panahon, may suliraning nilulutas.


Pumili ng paksang kabisado mo o makakabisado mo gamit ang pananaliksik, pakikipanayam, at pagsusuri.

Gumamit ng mga tauhang kaya mong palabasin ang kanilang mga saloobin.

Pumili ng tauhan na pagdadaluyan ng kuwento at ng epekto ng isyu.

Bigyan ng katangian ang tauhang pagdadaluyan ng kuwento

Kung tatalakay ng isyu, magpokus sa epekto nito at hindi mismo sa isyu.

Bigyan ng lulutasing problema ang mga tauhan.

Highlights

may mga naninirahan dito, may tiyak na lugar at panahon, may suliraning nilulutas

Upang maisulat ang dula o ano mang uri ng panitikan, sinasalungguhitan na dapat kabisado ng manunulat ang kanyang paksa. Matutong magsaliksik, makipanayam, at magsuri.

kanino padadaluyin ang kuwento?

sa mga dulang politikal, nagiging labis na dominante ang pagtalakay sa isyu. Kapag nangyari ito, humihina ang dula at nagkakatendensiyang parang sanaysay na iniarte na lang ang kahihinatnan. Humihina ang drama dahil mas tumutuon sa pagtalakay sa isyu kaysa sa pagpapakita ng epekto ng isyu

epekto ng isyu, ito ang pangunahing punto sa paglikha ng dulang politikal; hindi dapat manguna ang lecture tungkol sa isyu. Kaya, sa pagsulat ng dula, agad kong hinanap ang mga tauhang pagdadaluyan ng epekto ng isyu… Mula sa epektong ito, maari nang magsimulang lumikha ng kuwento.

Sa bawat tauhang pipiliin na pagdaluyan ng paksa, magiging iba ang kuwento ng dula.

Sa ating pagpili ng tauhan, kinakailangang makilala natin hindi lang ang panlabas nilang katangian: higit pa, ang kanilang saloobin.

Matapos makapamili ng pagdadaluyan, kailangang bigyan ng partikular na katangian ang tauhang napili… Sapagkat ang kuwento ay padadaluyin sa partikular na tauhang ito, ang pag-iiba-iba ng katangian ng tauhang ito ay makaaapekto sa kakayahan niyang tumugon sa ibibigay na problema (tunggalian)—isang bagay na makapag-iiba rin ng kuwento.

Matapos malutas kung kanino padadaluyin ang kuwento, isinunod ko ang paglikha ng tunggalian.

kailangang bigyan ng lulutasing problema ang tauhan

References

Aguila, Reuel Molina. Virgin (Muli) Po Ako: Mga Dulang May Isang Yugto. Bughaw, 2019.