Naghaharutan ang mga bata
sa kalsada parang
mga pipit sa bubong.
Subalit ikaw
taimtim mong hinahayaang
isayaw ng hangin
ang mga dahon mong
nagpapanariwa
sa mga kaluluwa namin.


Salin ng Kabuasad Cablong.