Lumalamig lahat
Ng nahahawakan
Nitong hanging
Nanggagaling sa Timog

Tenga,
Leeg,
Kamay ko
Naghahanap ng balabal

Hapon at
Nagdudumilim na
Lumilipad ang mga ibon
Sa malungkot na kalangitan

Naalala ko
Ilang taon na ang nakalipas
Yakap-yakap kita
Habang lumulubog rin ang araw

Malamig din ang hangin noon
Ngunit mainit ang balikat mo
At mainit-init ang leeg mo

At lahat ng iyon
Ay katulad rin ng mga ibong ito
Lumilipad ng malaya
Sa hinaharap na hindi mo na ako kailan man
Kasama


Salin mula sa Pangasinan na Amayo.