Malalim ang hugot ko sa paglalakad, pagsusulat, at paglikha. Kailangan kong yakapin ito ng buong-buo at huwag mahiya. Bagkus, magpakatotoo. Mula sa feedback sa ANWW20, sa tingin ko pinaka-nakaresonate sila sa religiou o spiritual element ng essay ko. Isa itong void sa Philippine literature: sincere religious writings. Since tanggap ko naman na religious ang writings ko (at lahat ng ginagawa ko), paninindigan ko na ito.