The primary mindset of an entrepreneur is to earn money by serving others. There is no other purpose more worthy of entrepreneurship than that. Meanwhile, the purpose of art is to do something exclusively out of joy, freedom, and no purpose of earning.
Merong gitna. Ang artist-entrepreur nga. Pero meron lamang gitna dahil may pumagitna sa kaniiya haha. Ang konsepto ng artist (sining muna bago ang lahat) at ang konsepto ng entrepreneur (pera muna bago ang lahat). Otherwise, hindi siya tatawaging gitna. Ibig kong sabihin, may klarong distinction between isang artist at isang entrepreneur.
Pwede nating i-drop yung mga salitang artist at entrepreneur, pero hindi mawawala yung fact na mayroong:
- Taong pera ang una, at may
- Taong sining ang una
Hindi lamang undeniable ang distinction na ito kundi useful din siya.
Halimbawa, ako’y isang artist entrepreneur at merong dalawang creative project akong pagpipilian:
- Malaki ang kikitain ko pero dikta ng client ang lahat to the point na executor lang ako ng ideya niya
- Maliit ang kikitain ko pero sakin lahat manggagaling ang creative ideas
Kung mas entrep kang mag-isip, pipiliin mo ang unang choice.
Kung mas artist kang mag-isip, pipiliin mo ang pangalawa.
Sa araw-araw na buhay ng artist-entrepreneur may mga ganitong subtle decisions. Ang aggregation ng maliliit na mga decisiong ito ang magsasabi kung mas entrep ka o mas artist ka.
Nagtagumpay ang entrep kapag kumita siya.
Nagtagumpay ang artist kapag naging totoo siya sa sining niya (maski hindi siya kumita).
Sa kaso ng artist entrepreneur, nagtagumpay siya kung kumita siya AT naging totoo siya sa sining niya. Pero meron at meron siyang kikilingan sa dalawa at any given time.