Lecture sa Tula
Lecturer: RMA
Mastery of form is not the only goal of poetry.
Writing is a weapon.
Things that a writer needs to learn:
- history of literature
- history of form
- issues in literature
- reader research
- publication
- distribution
- social issues
Poetry is a long-term practice.
Now, study indigenous poetic forms.
Bugtong: look closer at an image
Salawikain, tanaga, and even regional forms are heavy in images.
Stop didactism. Focus on imagism.
Nasabi mo na, bakit mo sasabihin ulit? Try not to repeat. Be economical with words and images.
Why didn’t we embrace our imagistic roots?
- We were Western and colonial.
- We should’ve looked first at our own forms.
- We should’ve looked for essence, not just forms.
Modernism
- late 19th century, WWI, industrial revolution
- experimenting with new techniques
- imagism by Pound
- Bagay poets
- Don’t use words unnecessarily.
- Musical phase.
- Image not idea
- Modernism is based on Asian forms (i.e., Japanese and Chinese).
- clarity
- precision
- economy of language
- Check out Bien Lumbera.
- Avoid concepts and abstractions.
- Go for the ordinary, which is stronger and easier to understand.
- The indigenous is often ordinary.
Spoken-word
- is a method, not poetry itself
- narrative is maligoy
- e.g., balagtasan is not a poem but a way of doing poetry
- created by construction workers.
Tulang malalim vs. tulang lumalim
Kung malumanay ang tula, alisin mo na muna ang hindi malumanay.
Ilarawan mo lang. Wag mong iinterpret.
Poetry is the best words at the best time.
Feedback on Obong
Amanda
- ==Explore ang parallelism ng mais at ilaw.
- Explore ang parallelism ng balat ng mais at bintana.
- ~~Explore ang pagkawala ng identity, lunan, at kabuhayan.
- Explore ang pag-iral at bakas.
- ==Ang strength ng tula ay nasa pagtatahi nito sa dulo.
Je
- ==Curious kung bakit nawala ang mga tao.
M
- ==Maiksi ang time.
Emman B.
- ==Pwede itransfer sa film.
- ==Mangingitlog ang gamu-gamo sa mais (swakto)
- ==Better ending: alisin ang ilaw. Nakatiwangwang lang yung bahay. Eco crit.: nature won.
- ==Ang strength ng tulang ito ay pagtitimpi (descriptive)
Joey
- ==Sta. Maria = place as mother
- ==gamugamo, naghahanap ng bagong pugad = people left
- ==“nangangati ang paa” = lalayas?
- ==persistence of scene
- sa likod ng bahay = back of my messy pugad
Jim
- ==Walang ibig sabihin (WIS) pero tula pa rin ito.
- ==Pwedeng kahit saan pwede siya.
- ==You don’t know where it will bring you.
RMA
- shorten lines
- ==“Noon sa Sta. Maria” → Ibig sabihin, wala na sa Sta. Maria yung writer.
- ==Reminds him of Sta. Filomena and another poem about a beloved kalabaw.
- ==The translation could improve the original.
Others
==Great title. It tells what the poem is.
kapag bumukas na ang mga bunga ng mais
- ==When? Clear temporality. Is this something you can see in the night?
- ==Instead of “bumubukas,” try “namamalat” or look for a better Tagalog word for it. Translate the language of the farmers.
at masisilip na ang mga dilaw na butil nito lumalapit na rin ang mga gamugamo.
- ==Hindi parallel: gawing both visual. Halimbawa, sa halip na lumalapit, nagpapakita.
pagkakamot
- ==You jumped. Bugaw muna.
at aantaying dalawin kami ng antok.
- cliche
lumang kulambo
- ==enrich imagery (butas, tinapalan, ipakitang gamit na gamit na)
kinumotan
- spelling: kinumutan
de pulbos na mga pakpak
- ==may ibang hindi pamilyar dito
kakamotin
- spelling: kakamutin
Suggestions
- ~~Put translation side by side.
- ==Explore the image of emptiness in the end.
- ==Put mother at first stanza?
- ~~Make someone else translate.
- ==Enigmatic. Add more info.
PRS Response to Critique
Poem
- Obong definition
- I did make jumps: Bugaw better than kamot.
- Marami po mais samin.
- pagkati: mais or butterfly?
- tula becomes a new thing when read by someone else (i never thought it would be about my mother)
- Enigma is a strength I think (so it’s ok for us to have many interpretations) ⇒ multiple readings is good
- bilang makata, intention ko na wag magbigay ng iisang interpretation ng magamit ang tula sa mas malawak na konteksto dahil napakapersonal.
- Clue lang na malinaw: ano man ang dahilan mahalaga pa rin yung lugar dahil tinulaan.
- typo lang yung nagkamaling line sa fifth stanza
- Pangasinense, Pangalatok, Pangasinan ⇒ Panitikang Pangasinan
State of Pangasinan lit
Share about your problem with writing in different languages.
- May kakulangan ng mga nagsusulat sa Pangasinan at tungkol sa Pangasinan.
- May disconnection sa pagitan ng mga batang manunulat at matatandang manunulat sa Pangasinan.
- Ang matatandang manunulat na nais magpreserve sa wika ay may kakulangan sa pagsuporta sa mga umuusbong na batang manunulat sa Pangasinan (kulang sa community organizing at workshops).
- Ang mga umuusbong na manunulat ay wala na masyadong grasp sa Pangasinan language.
- Ang disconnection between older Pangasinan writers and younger lies in the desire for older writers to preserve the language and revive older words and ways of using these words, a project na nireresist ng mga bagong writers
- Hindi ito nanalo sa GBL.
Palacio del Sierra Madre
Remove unnecessary characters
- Kerbaw
Focus on bagyo
Must have focus
Flat tone
Needs a climax (time when the storm arrives)
Tone is old (read more Children’s stories)
Use rythm and rhymes
Use a narrator: an omniscient
6-10 pages kwentong pambata
Pasimplehen ang banghay
Gawing walang kapangyarihan si Gallo. Gains power the storm arrives. He is an ordinary child.
Endnotes confusing
Writer should decide whether high fantasy
Alisin na rin ang palasyo
Your story should move
More creative description
Creative description using cultural symbols
Ursula le Guinn
This is hybrid written by imaginative teenager.
Unnecessary if spec fiction
Joel Donato Ching
It’s a simple story na binalutan
- sierra madre ay barrier ng storm na hindi magawa dahil inaabuso
Hyperlink
This is an essay where its form is really strong (as if it is a poem). If so, its choice of form should have a strong if not obvious reason.
Why is the title hyperlink? Just because it contains hyperlinks? Is this what the title is all about?
Why not call it footnotes?
- the footnotes as form ay nakikipagtalo sa hyperlink as form. What is hyperlink as form in the first place?
Integrate history of hyperlinks.
- the web was a hypertext world. Nonlinear.
- Then naimbento ang blog → feed (curated, removes the agency of explorer)
Possibility 1: Create a closed link essay that links but only links to internal parts of itself.
Possibility 2: Create an open linked essay that links to outside and internal parts of itself.
The idea of hypertext is that you provide different entry points into a world. Might this be integrated into your essay? Could the essay be read like a garden with multiple entrypoints?
Post-print breaks down when printed. How can a printed text behave like a post-print text?
A possibility is to use QR codes when linking to online content.
- Printed text that links within itself through call numbers.
Jim Naval
- hindi natatapos ang kwento
- Pasimplehin at ibalik sa ordinaryo ang kwento (Edgardo Reyes)
Boyet
JF Lacaba - Pagkain sa Ayungin
Theodore Adorno
- imposibleng tumula pagkaraan ng Auschwitz
Barbarismo vs tula
Paul Selan 1948 poem Todas laga
Refat alareer Kung Mamamatay Ako (salin ni Cris Lacaba)
PRS17 Work Comments
Ang Salubong Ng Tutubi Sa Mukha
Gumuguhit ang kintab sa maninipis na ugat
- kintab ng alin?
parang mga dahong tuyo na matagal nang nalaglag sa paanan ng mga puno
- kung tinutukoy nito ang pakpak, mukhang malayo na siya
nakaliliyong ganda sa kanluran.
- bakit nakaliliyo?
- bakit sa kanluran?
Wari mo’y mga papel na maninipis, madaling mapunit at mabasa
- alin? ang pakpak ng tutubi o ang tutubi mismo?
Ang pagkamangha sa paghampas ng tutubi sa mukha
- ang tutubi ba ang humahampas o ang hanging likha ng paglipad nito?
(paghahalintulad sa paghampas ng pakpak sa balat)
- parang iba ito sa pakiramdam ng halik, init, kilig; hindi pa ganoon kalakas ang pagkakatulad
baka sakaling ang marka ng kanyang makintab na pakpak ay dumikit sa balat
- failure of metaphor: hindi naman ata lumilikha ng marka ang pakpak ng tutubi
Parang dahon na sa init ng kandila o gasera ay pinadaan, pinahiran ng lana at sa noo’y itinapal ng albularyo, at ang bulong— baka sakaling makagaling sa anumang kirot na nararamdaman.
- naiintindihan ko ang pagbalik sa paghahalintulad sa pakpak ng tutubi at dahon. Subalit sa tingin ko, mahina pa rin ang paghahalintulad na ito dahil mas malakas ang pakiramdam ng dahon sa balat kaysa pakpak ng tutubi sa balat.
Oda Kay Julyo Andres at sa Mga Paslit ng Palestino
Form
- Ano ang purpose ng capitalization ng buong title
Ikaw na bunga ng lubos naming- PAG-IBIG, ng iyong tatay at nanay,
- tatlo sila? sino ang pangatlong umiibig?
ang wala ng buhay niyang supling
- do you mean “ang walang buhay nilang supling” o “ang makita kang walang buhay”
Ngunit labis ang aming panglulumo ni nanay
- Logical transition failed
Hitik SA PAGKADALISAY ang inyong katauhan,
- katauhan? pero hindi na sila tao.
Nang aming mapagtantong hindi sapat ang ibigin- lamang ang mundo, kundi dapat din ipakipaglaban ito.
- medyo problematic ang ginagawang pagkakaiba ng “pag-ibig” at “pakikipaglaban.” Tingin ko, kapag tunay mong iniibig ang isang bagay, ipinaglalaban mo talaga ito. Hindi pag-ibig ang hindi handang ipaglaban ito.
ay wagas na pagpapamalas ng pag-ibig- sa humanidad.
- palitan ang “humanidad” ng “sangkatauhan”
Anak, higit mong ipinatimo sa amin na ang pagyakap SA TINUBUANG lupa ay wagas na pagpapamalas ng pag-ibig- sa humanidad. Sa LUPA na hindi nahahangganan ng bansa,
- weird ang lohika rito: tinubuang lupa tapos babanggitin ang lupang na hindi nahahangganan ng bansa
Posible bang iintegrate mismo sa berso ng tula ang footnote?
Hyperlink
Tingin ko obvious na hyperlink ang ginamit. Baka kailangan ng mas creative na pamagat?
Isang kilo ng palay?
Kape a Bagas
Gusto ko ang conversational Tagalog nito.
Bakit kailangang paulit-ulit idiin ang kahirapan?
“aking” → “ko”
Talaga bang naintriga ka noong makita mo ito sa bookstore? O matagal mo na itong alam at gustong bilhin?
Mukhang mga teenager ang mga ito dahil sa ligalig nilang mag-usap at magtawanan.
- Sa tingin ko hindi sa ligalig at tawanan nasusukat ang pagiging teenager pero sa itsura. Kaya sapat nang sabihing “Mga teenager ang pumasok. Maliligalig silang mag-usap at magawanan.”
“Sikat din kasi ang lugar na ito hindi lang sa mga kapehan kundi pati mga inuman, antique shops, at Asian noodles.”
- Walang logical continuation ito sa sinundan nitong pangungusap.
Gusto ko ang pagbibigay puwang na ilarawan ang dalawang upuan sa mesa, dahil relevant ito sa susunod na mga mangyayari.
Gustong-gusto ko ang pagyayakapang walang salita.
Kakaiba yung atmosphere na nabuo dahil nangyari ito sa isang kapihan. Complex din ang lasa.
Nabitin ako sa kuwento ni ate.
Parang hati ang attention span ng piyesa sa pagitan ni ate at ng kape. Pagsasalarawan ba ito ng kung paano tayo kumikilos bilang mga outsiders sa pinagdaanan ng kapwa natin tao.
Hindi ganoon kalinaw ang tinatahak ng sanaysay, ang gusto nitong gawin.
Napakaganda ng pagsasalarawan sa mga kape. Pero nakulangan ako sa pagproseso sa napakinggang kuwento kay ate.
Ang Anino sa Gabi
Hindi ganoon ka-epektibo ang lead paragraph. Siguro magsimula sa isang imahe.
“laging sermon sa kanya. Daig pa ang pari sa simbahan kung magbigay ng sermon.” → Wag nang ulitin ang salitang sermon. Sabihin lang, “daig pa ang pari sa simbahan.”
“Hindi malasutla ang buhay nina Erwin, malakatsa man ay komportable pa rin kahit papaano.” → dapat nakarugtong ito sa susunod na talata.
“Kilala ang lugar nila sa dungis ng kalsada at bulung-bulungan na krimen kung saan tuwing gabi ang mga anino ay sumasayaw sa mga gilid ng makipot na eskinita at kung minsan ay may mga alingawngaw na nagtatagal gaya ng halumigmig sa hangin. Bumubulong ang siyudad sa mga nananahan dito. Nangungusap.” ⇒ sinusubukang maging tula, pero maari pang mapa-unlad. Madalang ang ganitong linya. Parang siningit lang.
Serial killer ang panakot ng matatanda sa lungsod. Hindi na multo.
“Kapag Saksi na ang palabas sa telebisyon. Kapag tapos na ‘yung paborito niyang Rosalinda. ‘Yun ang gabi na para sa kanya.” ⇒ Kelan ito nangyari? Bakit may Rosalinda pa?
“Kundi man dahil sa Lola niyang pinagbabawalan siya ay dahil naman sa ilang sirkumtansya na hindi na niya na kontrol pa.” ⇒ Show. Don’t tell.
“Aminado si Erwin na takot siyang lalabas oara sa araw na iyon, pero alam niyang lalong mababawasan ang kanyang pagkalalaki sa harap ng mga kaibigan kung hindi pa siya sumuway sa habilin ni Aling Biring para makasama siya sa computer shop.” ⇒ Walang register ito dahil hindi pa naeestablish na kinakantsyawan pala siya ng mga kaibigan.
Natatagalan ako sa pagbabago ng piyesa. Kelan gagalaw?
“Kung isang poetikong eksena ang gagawin ni Erwin, takot ang pinakamataas na antas ng katapangan.” ⇒ Ha? Diko gets.
“Palingos-lingos ang batang pasaway kahit na unang tapak pa lamang niya sa labas. Sa kanyang pagmamadali ay nagkamali pa siya sa pagsusuot ng tsinelas at napagbaliktad niya ito— at sa dagdag na kabog ng dibdib, hindi na niya ito napansin.” ⇒ Pwede sanang pahabain ang eksenang ito.
Actually, maraming eksena na parang tila nagmamadali ang manunulat. Bakit hindi dahan-dahanin?
“para lalo pang manalo sa internet game” ⇒ Name it. We will get it.
“Nakita niya kung paanong bumulwak ang dugo mula sa ulo ng isang tao. Nakikita niya lamang ito sa mga pelikulang hilig ni Aling Biring pero hindi niya inaasahan na ganoon ang hitsura ng laman ng tao, lalo ang laman nito mula sa ulo.” ⇒ Needs more work in creating suspense. Tingin ko, ang pagkokompara ay hindi epektibo sa paglikha ng suspense.
Bahala na. Bathala na ⇒ Bakit kailangang gamitin ang luma?
““Ano ba kasing ginagawa mo dito? Gabi na, a?” tanong pang muli ng mamang pulis sa kanya. Hinawakan siya nito sa maliit niyang braso. Doon siya nahimasmasan at saka sumagot sa mga tanong ng pulis.” ⇒ Mas maganda kung wag mong tahasang sabihing pulis siya. Ilarawan mo para natural lang na lalabas na pulis siya.
Mahusay ang ending.
Aurora
“Hinihintay kasi ako ng mga anak,” ibang lalim ang kanyang pagkasabik kaysa sa akin. ⇒ Magkahiwalay ata dapat ito.
“Palagay ko, hindi na kailangan pang itanong kung bakit itininanim ang dating mayor sa Ditinamnan.” ⇒ Bakit naman? Sa akin, kailangan ko ng paliwanag at hindi pa ito malinaw.
nakakatandang ale ⇒ nakatatandang
Nakakapaso ⇒ nakapapaso
Biglang sumagi sa isip ko ang dumaraming subdivision sa Rizal habang nakaharap sa nagtataasang damo. ⇒ konteksto?
Gunting
Mahusay. Pero parang wala masyadong conflict. O meroon pero kulang.
Yung pagsasara sa umpisa hindi ko pa rin maunawaan. Ano ang nirerepresenta ng gunting?
Tipan ng mga Malilibog
Curious ako ung lalaki ang nagsulat nito.
“Patok ang jeep na sinasakyan ko tulad ng patok na beerhouse na binagtas nito. Nagbanyuhay patungong telebisyon ang sansaglit na imahe ng bintana ng jeep na ito.” ⇒ Ano ang ibig sabihin ng patok na jeep? Maraming nakasakay? Puno? Kung puno bakit may espasyo pang may bintana.
Na parang tilamsik ng madugong krimen na iniwan ng yanggáw
Walang Hanggang Kasaysayan
Hinihikayat ako ng mga kaibigan kong umanib sa Kilusan. Nasa Kilusan daw ang pakikibaka, ang pakikibakang hindi matalo-talo. Kako hindi nga matalo-talo, hindi rin naman manalo-nalo. Ilang dekada na ba silang nagkakampo sa Abra? ⇒ Weird na nag-open up siya dito.
Ang hirap intindihin kapag wala sa kahon, ano? ⇒ Gustong-gusto ko ito.
Dapat ganyan ginawa ng mga Liberal noong kalakasan nila. Dapat binura nila kayo sa kasaysayan para huwag nang pamarisan. ⇒ Ibig sabihin may liberal sympathies pa rin siya?
Ang hirap makisama sa inyo, iisa lang ang tama. Kaya kayo tinalo ng mga Maharlika dahil mga ipokrito kayo. Demokrasya ba? E bakit minamasama n’yo kapag iba paniniwala ng kapwa n’yo? ⇒ I love this line from Nora.
Nakakapagod
PRS 17 People
UP
Jessie Barcelon Charles Julian Gollayan Obi Magsombol Mark Anthony Salvador Wendrei Brent Orquiola Benjamin Ambros King Sumabat Amanda Socorro Echanis
Non-UP
Vince Imbat Joey Carr Al Gonzales Glen Patrick Camante Eric Jhon Bituin Michael S. Bernaldez Marjay Manalastas Elijah Felice Rosales