Akala ko noong una’y
tunog ng sirang tubo sa banyo
Gumising ako upang tignan
okay naman ang tubo.

Nang dumating ang bagong blender
na inorder namin sa Shopee
akala ko’y iyong ang tunog
ng blender. Hindi pala.

Minsang naglalakad ako
sa gabi nang marinig ko ulit ang tunog
Sabi ko baka tunog ng
kinakalawang na ferris wheel.

Pero lahat ay naging malinaw
nang minsa’y napadaan sa Plli Drive
at dumating ang treng umuungol
tulad ng tunog na akala ko noong una’y
sirang tubo,
bagong bukas na blender,
at kinakalawang na ferris wheel.