Gusto kong magsulat,
pero mukhang
malasa ang sabaw,
malagkit ang sinangag,
malambot ang bangus,
malutong ang tongkatsu,
madulas ang ensaladang talong,
matamis ang buko pandan,
at malamig ang lemonada.

Kaya sa tanghaling ito,
ang plato ay kwaderno,
ang kutsara ay bolpen,
at hahayaang ang sikmura ko
ang magsulat ng tulang ito.


Heto ang borador ng tulang itong isinulat ko sa Ingles: sikmura - english draft