Binigyan niya’ko ng bulaklak
isang kaputol ng araw
gintong pumapalibot sa itim na bilog
at berdeng mga watawat na palamuti

“Bakit mo ako binigyan?”
tanong ko sa kaniya
na para bang hindi ko alam ang sagot.
“Sinabi mo yan sa’kin dati.”

Oo nga pala.
Sinabi ko ga naman iyan sa kaniya dati.
Sinabi ko
kung paano ako naiinggit
sa mga babaeng tumatanggap ng bulaklak
tuwing Araw ng mga Puso
Sinabo ko
kung paano ako naiinggit
at nangangarap na sana’y mabigyan rin
ng bulaklak.

At naalala niya.
At mahak ko na siya.
Dahil lalaki man ay namumulaklak rin.