Tinuruan ako minsan ng isang matalinong ginoo na maglakad ng marahan habang nakatingin sa lupa. Ngayon, nageksperimento ako at naglakad naman akong nakatingin sa itaas.

Amoy ko ang nagigisa ng sardinas. Ligo.

Naglalakad kang mag-isa sa gitna ng kalye hindi pinapanood ang mga yapak kundi nakatingala sa langit hindi ibinababa ang ulo marami kang makikita. Sandali lng. Wag muna. Wag mo munang ibaba. Hindi pa tapos ang palabas.