Tumatahol na aso
Itim na mediyas
Hanging umiihip mula
sa bentilador

Humaharurot na motor
Kayumangging sahig
Mga salitang nanggagaling
kung saan man

Umuubong lalake
Dumidilim na langit
Ang tula ay tumutunog na mangkok
na walang laman.