Mainam maglakad kapag madilim pa
o magdudumilim pa lang
nang makita mo ang tunay
na kulay ng langit.

Kaunti lang ang dalhin
o mas maigi
‘wag nalang magdala ng anuman.

Marami na ang apat.
Mas kaunti mas maririnig niyo
ang sarili niyo.
Mas namnam ang bawat sandali.

Maglakad ng marahan.
Magpahinga kung kailangan.
Manatiling panatag sa kung nasaan ka.

Ganito maglakad
sa landas ng buhay.