Dati
tuwing naglalakad kami ni Lea sa umaga,
madalas naming masulyapan
si Chewy at ang kapatid nitong
si Miya.

Ginaganahan kaming maglakad
nagbabakasakaling
mapanood muli silang
naglululundag at nagtatatahol
habang pinagmamasdan namin sila mula sa balkonahe nila.

Pero isang araw
hindi na namin ulit narinig ang dalawa
hindi na namin ulit nakita
at ang parati na naming nadaratnan
sa aming paglalakad
ay si Trixie
na maghapong nakakulong
na ilang ulit naming pinangarap bilhin na
nang mailigtas mula
sa walang-hanggang kalungkutan.

Bagay na di namin magawa-gawa
at dahilan kung bakit
hindi na kami naglalakad
sa umaga.