Kailangan nating matutunang
manghuli ng huli

huling paglalarong magpipinsan
huling klase nating magkakaklase
huling huntahan nating magkakaibigan
bago tuluyang lumagay sa tahimik
ang bawat isa.

Kailangan nating matutunang
manghuli ng huli

dahil

daan-daang araw ang lilipas
libu-libong tao ang sa buhay natin ay daraan
na para bang walang katapusan
ang bawat bagay sa ilalim ng araw

kaya