Hindi nagsisinungaling ang kalikasan
Hindi nagbabalatkayo
Hindi nagdaramdam pag siya’y nilisan
Hindi nagaalburuto

Payapa lang ang kalikasan
Hindi naman siya mabangis
Umupo ka sa kaniyang tahanan
Dinggin mo siyang tumangis

Nanay mo ang kalikasan
Sa kaniya ka babalik
Dakila siyang pamantasan
Damhin mo kaniyang halik

Kasama ko ang kalikasan
Madalas sa mga gabi
Siya ang Kaitaastaasan
Parati ko siyang katabi