Sunugin mo ang lahat ng alaala
Ng nakaraang bumabahala
Ilagay sa lata at sindihan ng posporo
Panoorin ang lahat ng ito’y maglaho
Dahil kasama ng usok at nagliliyab na apoy
Ang dahan-dahang paghilom ng panaghoy
At Ibuhos mo ang abo ng kahapon
Sa lupang magaantay ng unang ambon