1. Sige lang, makipagtaasan ka pa ng ihi sa ibang artist.
  2. I-share mo sa pamilya mo kung ano ang ginagawa mo at asahang matutuwa sila, ipagmamalaki ka sa iba, at magbibigay sila ng moral support. Sige lang. Asa pa more.
  3. Maging super obssessed sa iisang ideya at ibase ang tagumpay ng career mo sa ideya na iyon no matter what.
  4. Huwag kang magbabago ng isip kahit maging puti na ang uwak.
  5. Magpa-exploit ka pa sa mga kuripot at barat. Better, work for free parati!
  6. Hayaan mong pera ang magdikta sa lahat ng gagawin mo.
  7. Sunod lang nang sunod sa lipunan. Wag na wag kang sasalungat sa trends!
  8. Lahat ng gagawin mo dapat may approval ng family mo.
  9. Ito ang panata mo habangbuhay (maski sa kabilangbuhay): “Lahat ng sinasabi ng client, customer, gallery owner, patron, o investor ay parating tama. Pagbibigyan ko lahat ng hihilingin nila.”
  10. Magtakda ng napakalaki’t imposibleng mga layuning na kailangang makamit bukas ng umaga.

References

Smith, K. (2010, February 5). How to feel miserable as an artist. Keri Smith. https://www.kerismith.com/blog/how-to-feel-miserable-as-an-artist/