Original

And a woman who held a babe against her bosom said, Speak to us of Children.
And he said:
Your children are not your children.
They are the sons and daughters of Life’s longing for itself.
They come through you but not from you,
And though they are with you yet they belong not to you.

You may give them your love but not your thoughts,
For they have their own thoughts.
You may house their bodies but not their souls,
For their souls dwell in the house of tomorrow, which you cannot visit, not even in your dreams.
You may strive to be like them, but seek not to make them like you.
For life goes not backward nor tarries with yesterday.
You are the bows from which your children as living arrows are sent forth.
The archer sees the mark upon the path of the infinite, and He bends you with His might that His arrows may go swift and far.
Let your bending in the archer’s hand be for gladness;
For even as He loves the arrow that flies, so He loves also the bow that is stable.

Translation

At isang nagpapasusong ginang ang nagsabi, Magsalita ka sa amin tungkol sa mga bata.

At sinabi niya:
Ang mga anak ninyo ay hindi ninyo mga anak.
Sila ay mga anak na lalake at babae ng Buhay—ang pananabik nito sa kaniyang sarili.
Dumating sila sa pamamagitan ninyo pero hindi sila nanggaling sa inyo,
At kahit kasama ninyo sila, hindi ninyo sila pagmamay-ari.

Maibibigay ninyo sa kanila ang inyong pagibig pero hindi ang inyong mga paniniwala,
Mayroon silang sariling mga paniniwala.
Maikukulong ninyo sa bahay ang kanilang mga katawan ngunit hindi ang kanilang mga kaluluwa,
Dahil ang kanilang mga kaluluwa ay tumatahan sa tahanan ng kinabukasan na hindi ninyo kailan man madadalaw, maski sa inyong mga panaginip.
Maaari ninyong pagsumikapang maging katulad nila, pero huwag niyong pangaraping maging katulad nila kayo.
Dahil hindi umuusad ang buhay pabaliktad at hindi ito nananatili sa kahapon.
Kayo ang mga búsog na pinangpapana sa mga anak ninyong buhay na mga tunod.
Natatanaw ng mamamana ang gatla sa daan patungong walang-hanggan, at binabaluktot niya kayo ng buong lakas nang ang kaniyang mga tunod ay lumipad ng mabilis at malayo.
Magalak nawa kayo na bumaluktot sa kamay ng mamamana.
Sapagkat kung paanong iniibig Niya ang lumilipad na tunod, gayon din Niya iniibig ang panatag na búsog.

Reference

The Prophet