Malayo pa pala ako sa bukana
ng daang pinasukan ko.
Lumalalim na ang gabi
at ako’y pagod at gutom na.

Naalala kita at naiiyak ako muli
subalit hindi ko na kayang bumalik
kaya tumingala ako
upang pigilan ang pagtulo ng luha.

Sa pagtingala ko
sa itim na itim na kalangitan
ang luhang ‘di ko kayang ipatak
dagling nahulog na bulalakaw.