Libingan ng libu-libong puno
Libu-libong ibon
Libu-libong anak ng lupa,

Iiwan muna kita
Sa kanlungan
Ng dilim

Habang
Natutulog ka
Sa papag ng sakim

Hinihele ng ingay
Usok
Pulang mga ilaw

Hinahaplos ng gutom
Karahasan
Nakahahawang karamdaman.

Iiwan muna kita
At sa pagbabalik ko
Hihiga ako sa tabi mo

Sa hukay na inihanda mo para sa’kin
Sa hukay na inihanda mo para
Sa libu-libong puno,
Ibon,
Anak ng lupa.