Tanaw ang kalsada mula rito
Dinig ang maiingay na ungol ng mga makina
Motorsiklong umuungol na kalabaw na nahulog sa butas
Bus na busina nang busina para motorsiklo’y tumabi
Nakatayo ako
Dito sa hindi pa nasesementong daan
Pinapanuod ang libu-libong gulong na umiikot
Nang dumating sa’kin ang isang biro:
Kung hindi naimbento ang sasakyan
Kung hindi nahanap ng tao ang langis
Kung walang kalabaw o baka o kabayo
At hindi naisip ng tao ang kariton, kalesa o bisikleta,
Ang mga sasakyang ito sana’y mga taong naglalakad
At lahat sila’y nagbabatian at magkukuwentuhan
Hanggang sila’y makarating sa dulo ng daan.
Salin mula sa Pangasinan: nu sararayan luluganan et totoon manaakar