Nananampalataya ako sa aking sarili. Kinikilala ko ang sarili kong kamalayan at pagkamalikhain, at nararamdaman ko ang saysay ng aking buhay. Ang kamalayan at pagkamalikhain ay maari ring tawaging personalidad, dibinidad, at “ang Buddha na nasa bawat isa.”
Nananampalataya ako sa aking kapuwa. Ang kapuwa ay ang sarili na nasa kapuwa. Kung may pananampalataya ako sa aking sarili, walang salang nananampalataya rin ako sa aking kapuwa.
Nananampalataya ako sa isang nagtutulongang lipunan. Bagaman ang sarili at ang kapuwa ay may natatanging mga personalidad, hindi sila umiiral nang nakahiwalay. Dahil sa kanilang pagiging natatangi, ang tunay na pagkakaugnay, tunay na pagkakaisa, at tunay na pagibig sa kapuwatao ay naitatatag, at dito nagiging totoo ang isang nagtutulongang lipunan.
Nananampalataya ako sa trinidad ng sarili, kapuwa, at nagtutulongang lipunan. Ang sarili, kapuwa, at nagtutulongang lipunan, bagaman may mga natatanging personalidad, ay iisa. Kung gayon, walang nangunguna sa kanila, walang nakatataas o mababa, at ang isa ay parating nakapaloob sa isa.
Nananampalataya ako sa kaisahan ng buhay at kalikasan. Ang buhay, na binubuo ng trinidad ng sarili, kapuwa, at nagtutulongang lipunan, ay nakikipagkaisa rin sa lahat ng bagay sa sansinukob.
Nananampalataya ako sa mithing pamayanan. Ang mithing pamayanan ay isang prototipo o arketipo at puwersang nagtutulak sa nagtutulongang lipunan. Maaari lang akong maging ang aking sarili sa pamamagitan ng pagiging kasapi ng mithing pamayanan.
Nananampalataya ako sa isang tiyak na relihiyon. Sa ibang salita, ako ay kasapi ng Tokyo Kiitsu Kyokai. Subalit, ang isang tiyak na relihiyon (kasama ang Tokyo Kiitsu Kyokai) ay walang monopolyo sa katotohanan at hindi rin ito ang sukdulang kumakatawan dito.
Nananampalataya ako sa isang malayang relihiyon. Bagaman nananampalataya ang isa sa isang tiyak na relihiyon, ang walang katapusang paghahanap at pagpapaunlad tungo sa isang unibersal at batayang katotohanan ang ubod ng buhay relihiyoso. Ang dinamikong relihiyong ito ay tinatawag na jiyū shūkyō.
Rebisyon noong 1981
Naniniwala ako sa aking sarili.
Naniniwala ako sa aking kapuwa.
Naniniwala ako sa isang nagtutulongang lipunan.
Naniniwala ako sa isang unibersal na nagtutulongang lipunan.
Naniniwala ako sa mithing pamayanan.
Talasalitaan
Simulain - bata-yang katotohanan o proposisyon na nagsisilbing saligan o batayan ng isang sistema ng paniniwala o pag-uugali o para sa isang serye ng panga-ngatuwiran; tuntunin o paniniwalang gumagabay sa personal na pag-uugali; a batayang saligan o pi-nagmulan ng isang bagay b batayang kalidad o katangian na nagtatakda sa kalikasan ng isang bagay
Pananampalataya - isang taimtim na pani-niwala sa teorya
Kapuwa - túlad o katúlad; kasáma o ibang tao bukod sa sarili
Mithi - anumang pinapangarap na makamit o maganap; huwarang si-mulain