“Pero—at ito ang punto—sino ang nasasabik sa iisang sentimo? Kung yuyuko kang hindi gumagalaw sa baybay para panoorin ang panginginig ng alon-alon sa tubig at ginantimpalaan ka ng pagkasulyap sa isang batang maskret na lumalangoy mula sa yungib nito, tratratuhin mo ba itong isang piraso ng tanso lamang, at lilisan ka na patungo sa malungkot mong hantungan? Tunay ngang malubha ang kahirapan ng taong gutom na gutom at pagud-pagod na hindi na siya makayuko para pulutin ang isang sentimo. Pero kung lilinangin mo ang malusog na kasalatan at kababaang loob, upang ang makakita ng isang sentimo ay literal na magpapasaya ng araw mo, samakatwid, dahil ang mundo ay puno ng mga sentimos na sinuksok kung saan-saan, gamit ang iyong karalitaan ay nakabili ka ng masasayang araw panghabang buhay. Ganon lang ‘yon kasimple. Kung ano ang nakikita mo, ‘yon ang nakukuha mo.”
— Annie Dillard, Isang Peregrino sa Sapa ng Tinker
Ito ay translation ng sipi na ito: Who gets excited by a mere penny?
References
Dillard, A. (2013). Pilgrim at Tinker Creek. Harper Perennial Modern Classics.