Nangungulila ako
sa mga gabing
parang akin ang buong campus
walang mga estudyanteng nagtitilian
walang kotseng bumubusina sa likuran
ako lang ang naglalakad
sa sidewalk
sa ilalim ng mga palmera
sa ilalim ng sirang bombilyang
umaandap-andap kapag malayo ka
tumitigil kapag nasa tapat ka na niya.