Ang isa sa pinakadakila kong lunggati ay ang tumira sa isang lugar na tahimik, payapa, at napalilibutan ng kalikasan. Gusto kong gumising ng umaga na naririnig ang mga huni ng iba’t-ibang ibong nagtatalunan sa mga matatayog at mayayabong na mga punong pumapaligid sa aking bahay. Gusto kong tahimik ang buong umaga ko nang makapagsulat, makapagbasa, at makapagnilay ako ng walang disturbo. Gusto kong tumira sa may malapit sa mga malalakarang hindi dinaraanan ng sasakyan—tao lang—para may malakaran ako sa hapon pagkatapos ng buong umagang pagbabasa. Subalit ayokong maging ermitanyo. Ayokong tumira sa gitna ng gubat, malayo sa iba. Gusto kong tumira sa isang komunidad ng mga taong iginagalang ang individuality ng bawat isa subalit hindi nagiiwanan—parating nandiyan naka-alalay at sumusuporta. Gusto kong mapaligaran ng mga kapit-bahay na kaibigan—matatalik na kaibigan. At kung mangangarap na rin lang ako, gusto ko sana na hindi lang sa lugar namin may ganitong uri ng pakikisalamuha sa pagitan ng mga tao. Sana buong mundo iginagalang ang individuality at privacy ng bawat isa subalit hindi parati nagkakaisa at nag ? Nagkakaunawaan kahit magkakaiba ng pananaw at nagpapatawaran kapag may mga hindi pagkakaunawaan.


This prompt came from Joshua Bienvenida.