I

Hindi mo talaga makikita ang mga bagay na hindi nakikita
Lalo na kung sa mga bagay na
nakikita
bulag ka

Hindi mo na kinakausap
ang unang buhay
na lumabas sa iyong sariling
laman
ang unang halakhak
unang iyak
unang galit
sa pintuan nitong tahanan
na iyong itinayo

Dahil ikaw ay sinuway niya
Ikaw ay hindi pinakinggan
Pagka’t mas maingay ang boses ng katotohanang
Umaagos sa
Kaniyang kaluluwa

Hindi mo na siya kinakausap
Pagka’t nagkasala siya
Sa harap
Nitong dibuhong hindi nakikita

II

Iniwan mo
Silang mga hindi mulat
Sa ilaw
na ikaw lang ang nakakakita

Tinalikuran mo ang mga libro
mga titik, mga salitang
sumasampal sayo ng katotohanan

Ikaw ang nagsabi,
“Hindi ako nanggaling sa mundong ito
Wala akong puwang sa inyong
mga hindi nakaaalam.”
At nanatili kang
nakaupo
nakabaluktot ang iyong mga paa
habang ang buong mundo
sa paligid mo
ay naglalaho
at ikaw
patuloy na humahanap
doon sa hindi matagpuan

III