Ang sabi nila
ang tula ay naririnig
at makasusulat ka lang
kung nakaririnig ka.

Isang umaga
nagising akong
may gumagapang
na maitim na linya
sa sahig.

Nakita ni inay
at itay.
”Iyan yong ahas na bingi,“
sabi nila.

Napakaliit mo,
para kang bulateng
manipis,
natatakot,
naliligaw.

Kumuha ako ng maliit na papel
upang paggapangin ka roon.
”Patayin mo na
baka lumalki pa!“
utos ni itay.
Hindi ako nagsalita.

Gumapang ka sa papel
at dinala kita sa labas
upang palayain sa putik.

Gumapang ka ng mabilis
pero tumingin ka sa akin
parang nagpapasalamat
at nawala ka na.

Hindi ka bulag
at lalong hindi ka manhid.
Kung pinatay kita
Sino sa atin at tunay na bingi?

Tumayo ako
mula sa pagkakaluhod
at sa sandaling iyon
Binalot ako ng malilim na katahimikan.


Salin mula sa Pangasinan: Uleg ya Telek

To do

  • Update this with the one I sent to TLDTD