Pastoral

  • Pangangalaga kay Claire
  • Pangangalaga sa naiwang pamilya ni Rem (hal. Pagdalaw ng regular, pagcecelebrate ng birthday ni Rem taun-taon, etc.)
  • Pangangalaga sa mga pinakadumedepende kay Rem

Tungko

  • Pagaayos ng website ng Tungko.
  • Pagoorganisa kung paano ifafacilitate ang mga pagkikita-kita
  • Brainstorming kung paano dahan-dahang maachieve (kung kaya man) ang Tungko 2.0 at 3.0 vision ni Rem. Ang Tungko 2.0 vision ni Rem ay magtrain ng mga katungko na gustong lumalim pa sa craft ng poetry. Ang Tungko 3.0 vision naman ay pagttrain ng mga facilitators para sa Tungko.
  • Pakikipag-coordinate sa potential collab with Casa San Pablo at Rofel Brion
  • Pangangalaga sa bawat salang (mga regular at mas madalas sanang pagtitipon-tipon)
  • Pangangalaga sa buong Tungkomunidad (mga occassional na kitaan)
  • Pagcucurate ng energy ng mga kaTungko na maari magkakaiba ng nais mangyari moving forward; navigating differences; negotiation; dialogue; reconciliation; balancing an inclusive atmosphere with Tungko’s primary goal of protecting and enhancing the well-being of people within the space

Public writings

  • Pagcoconsolidate ng mga public writings ni Rem sa blogs niya (love, iching, etc.) into one website: remtanauan.com

Private writings

  • Pakikipag-usap kay Claire at sa pamilya kung papaano maiingatan ang mga private writings ni Rem na maaring gamiting resource sa pagsusulat ng talambuhay niya habang ensured na naproprotektahan ang kanilang privacy
  • Pangangalaga sa mga sulatin ni Rem na maaaring i-archives

Poetry

  • Pagcocompile sa lahat ng tula ni Rem mula sa private writings at public writings niya sa social media, website, etc.
  • Pangangalaga sa copyright ng mga tula ni Rem.

Books

  • Pangangalaga sa book collection ni Rem na iningatan niya ng matindi habang buhay pa siya. Possibly, pagtransfer nito sa mas safe place dahil aanayin sa kwarto niya. Pwedeng bigyan ng pormal na pangalan ang library niya.
  • Systematizatic arrangement ng mga libro
  • Paglalatag ng kaayusan kung paano ba gagamitin ang library at hihiram ng mga libro mula rito

Translation

  • Pagtulong sa pagpapadaloy ng ipa-publish na Paraan at Kalooban: Tao te Ching sa Filipino
  • Pagconsolidate ng mga best practices ni Rem sa translation na maaring gawing opensource material para sa mga gustong matuto ng translation. Isasama sa remtanauan.com.
  • Pagcocompile sa iba pang translations ni Rem

Facilitation

  • Pagconsolidate ng mga best practices ni Rem sa facilitation na maaring gawing opensource material para sa mga gustong matuto ng translation. Isasama sa remtanauan.com.

i-Ching

  • Pagcoconsolidate ng mga best practices niya na maaring gawing opensource material sa mga gustong matuto ng i-Ching at may calling dito. Pwede itong isama na sa remtanauan.com upang madali ang maintainance. Take note na si Rem lang talaga sa buong Pilipinas ang tumutok sa i-Ching kaya malaking void ang iniwan niya sa area na ito.

Miscellaneous

  • Pakikipagtulungan o ugnayan sa mga naiwang ka-collab ni Rem sa iba’t-ibang proyekto labas sa mga nabanggit sa itaas para suportahan sila sa paraang naiingatan rin ang copyrights ni Rem sa mga gawa niya kung meron mang mainvolve sa mga proyektong ito

References