Ramdam na talaga ang init. Tumaas na ang bill ng kuryente namin at kagabi’y dalawang bentilador ang bukas habang kami’y natutulog.
Kapahon sa Casa San Pablo, nahirapan akong makahanap ng magandang puwesto sa labas pagkatapos ng masarap naming tanghalian. Buti nalang at bawal ang events hall sa mga bisitang kakail lang at medyo malamig doon kaya nakapagtagal ako roon kahapon. Doon ako nagwasto ng tula.
Noong inaantok ako, sumandal ako sa pahigang upuang nasa likod ng evens hall. Bagaman hindi naman talaga ako nakatulog, nakapagpahinga ako ng sapat para makabangon muli, magikot-ikot sa Casa, kumuha ng mga larawan, at makinig lamang sa palagid at sa sarili.
Mga bandang alas tres y media, nakita kong nagkalilom na sa mga puting upuan sa hardin. Pumuna ako doon at umupo sa isang upuan. Tahimik roon at malayo sa init. Doon ako nagbasa, nagsulat ng kaunti, nanood sa mga ibong nagtatatalon sa bubong at sa paru-parong kulay kayumanggi na dumalw sa akin.
Mag-aalas kuwatro na noong nilapitan ako ng isang weyter at sinabihang ihahain na ang meryenda sa kuwarto kung saan kami’y nagkakaroon ng palihan ng alas kuwatro. Parang ayoko pang tumayo mula sa kinauupuan ko pero nagpaalam na rin ako sa puting upuan at sa hardin dahil sabik na akong muling makasama ang mga guro at bagong kaibigan.