Hindi ako nanggaling sa pamilya ng mga manunulat. Hindi ako natutong sumulat sa papel hanggang makatuntong sa Grade 1. Pinipilit kong tumula kahit 28 años na’ko noong nagsimula. Dagdag pa rito ang ingay ng nakaraan, ng mundo, at ng pagdadalawang-isip ko sa sarili ko. Pero nagpapasalamat ako ngayon na nasa mas mabuting kalagayan na ako. Naturuan akong tumula. Natuto akong turuan ang sarili kong magsulat ng mas banayad at makulay. At higit sa lahat, mayroon akong mga kaibigang naging halimbawa ko sa kung paano mamuhay bilang isang artist—mga kaibigang napakabukas-palad sa patulong at pagaanyaya sa aking tumawid sa comfort zone ko.