ginhawa which defines a state of well-being, often akin to or leading to happiness, is not the same as living a meaningful life. Sometimes, to live a life of meaning necessitates accepting a measure of discomfort. This means that Happiness is not the ultimate value and, therefore, Hedonism is wrong.
Humans do not desire happiness alone. Humans also aspire for meaning, sometimes even more than happiness. The lives of the greatest exemplars of human kindness and compassion prove this.
Insights from the thought experiment Experience machine also elucidates the difference between the two.
Ang kasiyahan (pleasure) at kahulugan (meaning) ay magkaibang pangangailangan ng tao. Hindi lahat ng bagay na nagdudulot ng saya ay makabuluhan. At hindi lahat ng makabuluhang bagay ay masaya. Kahit punong-puno tayo ng saya, posibleng parang may kulang parin—kulang pa rin ng kahulugan ang buhay. Ito ang dahilan kung bakit maski anong yaman ng isa o dami ng karanasang nakapupukaw ng kaluguran, posible paring maging walang saysay ang lahat ng ito. Sa kabilang banda, sa pagsisikap ng isa na gumawa ng mga bagay na makabuluhan, maaring tuluyan na niyang makalimutang huminga at sumaya. Ang marunong ay paham sa pagbabalanse ng dalawang ito: mithiin niyang makagawa ng maski isang bagay na makabuluhan, pero sa daan patungo roo’y marunong siyang tumigil sandali, kumain kasama ng mga kaibigan, uminom, humalakhak, at magpahinga. Dahil bukas magpapatuloy siya at kung hindi man makarating sa nais puntahan ay mahahahanap niya ang hinahanap niya kung nasaan man siya.