A
Aba - ituring na mababà at hamak ang kapuwa o sarili; dukha (pinakaaba sa aba) Abaloryo - maliit at bilóg na kristal, bató, at katulad na may bútas sa gitna, karaniwang tinutuhog upang gawing palamuti, galáng, o kuwintas; bead Agunyas - tugtog ng kampana para sa namatáy. Alihan - pangingibabaw ng damdamin Alo - aliw para sa táong nalulungkot, nababagabag, o may suliranin Alpas - kumawala o umalis sa pagkakahawak, pagkakatali, o pagkakakulóng Alupihan - alinman sa arthropod (class Chilopodo, genus Scolopendra ) na may pahabâ at sapád na katawang nahahati sa bahagi na may tig-iisang pares ng paa; centipede Amba - nagbabanta at poot na kilos ng kamay Ampat - apula; pagpigil sa daloy o tulo ng dugo, tubig, at katulad; pagsawata, o pag-awat sa mga nagkakagalit; pagsugpo o pag-alis sa bisyo Aranya - sanga-sangang kumpol ng mga ilaw na karaniwang nakasabit sa kisame; gagamba Asahar - bulaklak ng kahél; artipisyal na bulaklak ng kahél, karaniwang inilalagay sa ulo ng babaeng ikakasal o ng flower girl, sa ibabaw ng bélo. Asilo - asylum Atip - pantakip sa bubong Atril - katangán o patungán ng aklat, piyesa ng musika, o anumang binabása, karaniwang yarì sa magaang metal o kahoy; lectern, pulpito
B
Badha - [ST] mapuláng pambarnis ng kahoy Bahaw - kung sa tinig, paos o malat (basag) Bakokang - súgat na matagal gumalíng at nag-iiwan ng malaki at malalim na peklat sa balát Balana - pagbago ng isang gawain; pagpapanumbalik ng init at sigla. Banaag - bahagyang pagkakilála sa anumang bagay na nakikíta dahil sa kalabuan ng matá Balagwit - pasan sa magkabilâng dulo ng pinggá Balasik - bagsik; anyong nakahihindik Bandeha - malanday at malapad na kasang-kapang yari sa losa, tabla, plastik, o metal na ginagamit sa pagdadalá ng mga baso at katulad Banlik - mabuhanging putik na iniwan ng nagdaang bahâ Bantulihaw - kamagong Bantulot - hindi makapagpasiya kung ano ang gagawin; urong sulong Batik - patak-patak na dumi o kulay sa anumang bagay Berlina - karwaheng may pintuan. Bigtal - [ST] nabiyak, tulad ng pagkabiyak ng singsing; punit; tanggal sa pagkakabit, gaya ng bigtal na tabla, kawayang sahig, o pahina ng aklat; tastas; pigtal Bilot - anyo na nabubuo ng bagay na pinaiikot-ikot Bistay - salaan na gawâ sa masinsin at makitid na lapát na kawayan at ginagamit upang maihiwalay ang bigas sa ipa, binlid, o darak Biyas - bahagi sa pagitan ng mga bukó, gaya sa kawayan, tubó, at iba pa; bumbong; bahagi sa pagitan ng mga hugpungan ng katawan ng tao o hayop, gaya ng bisig, binti, at iba pa Bubot - bud; hindi hinog, karaniwan sa bungangkahoy gaya ng bubót na bayabas, at bubót na sinigwelas Bulahaw - [ST] malakas ang tinig, idinadaan ang lahat sa lakas ng sigaw; paggulo sa katahimikan Bulalas - pagpapakita o paglalabas kung ano ang nása loob; táo na mahilig maglustay; biglang pagsasalita dahil sa matinding damdamin, pagkagulat, pagtutol, at katulad; pagsigaw o pagsasalita nang malakas o mariin Bulaw - biik Bulsikot - purse; maliit na bag, pouch, o kaha na lalagyan ng salapi Bulugan - [ST] laláking baboy o kabayo na ginagamit sa pagpapalahi; barako Bunsol - pagkawala ng ulirat; [ST] kulam para magalit; tákot na muling gawin ang isang bagay Burak - uri ng pútik na mabahò at malansa gaya ng putik sa pusalì at estero Busilak - immaculate; pure; immaculate whiteness (busilak sa kaputian; lalong bubusilak) Butlig - maliit at namumuláng umbok sa balát
D
Dagat-dagatan Dagas - dumaan Dagim - dark clouds that bring rain; nimbus Dalirot - pagdutdot o paghalò sa anuman sa pamamagitan ng daliri Dalisdis - rabaw ng lupa na dahilig, gaya ng gílid ng gulód, matarik na pampang, at katulad Dalom - [ST] hinakdal Daluhong - [ST] pagsalakay o paglusob nang bigla o mabilis Damortis - kamatsile; pendant na hugis tainga. Danga - [ST] paglukso Dawag - damo at baging (madawag, dawagan) Dipa - pagpuwesto sa paraang pakrus o pantay-balikat na pag-unat ng dalawang kamay; sukat ng haba nito Diris - [ST] apdo; tonsil Diwara - [ST] pagiging lubhang maingat at labis na sinusuri ang kaliit-liitang detalye; busisi Donselya - dalaga; birhen Dukwang - paraan ng pag-abot na nakaunat ang braso at inilalapit ang katawan paharap Dulos - kasangkapang pandukal, may hugis dilang malukong, at mata-lim ang dulo;
E
Edad medya - Middle Ages Espektro - spectrum
G
Gililan - pahaláng na bahagi ng balangkas na nagdadalá ng bigat ng dingding; nakahigang bahagi ng balangkas ng tabike Ginsa - bigla (nang di-kaginsa-ginsa’y) Gupo - pagbagsak o pagkagiba, karaniwang dahil sa labis na kahinàan o sa bigat ng anumang dumagán (maigupo = foiled) Gulantang - nagulat; biglang nagising Gumon - pagkahilig o pagkalulong sa isang bisyo; pag-uukol ng buong panahon sa isang gawain; paulit-ulit na paggulong sa putik, alikabok, at katulad; pagkaratay dahil sa malubhang karamdaman. Guryon - malakíng saranggola na may sumba
H
Hagibis - tunog o pakiramdam ng mabilis na pagdaan ng mga sasakyan, tao, o hangin; harurot Hagip - sunggab o pagsunggab; pagkuha ng isang bagay na gumagalaw sa tubig; pagdagil, pagbundol, o pagkasagi; pagtama sa inaasinta. Hakab - mahigpit ang pagkakalapat ; kung sa damit, pitis na pitis; [ST] pagsipsip gamit ang bibig o biyas ng kawayan; paglalapat, gaya ng paglalapat ng bató sa argamasa. Halinghing - huni ng kabayo; daing ng tao na nahihirapan sa karamdaman o naliligayahan sa sex Hantik - red ants Hapay - nakakiling ang ayos; kumiling ; mawala sa tuwid na pagtayô. Hapis - pighati; matinding sakít na na-daramá ng isip at katawan; habag sa sarili; pain Hara - nakaharang sa daan ng ibang nása harap Hilahod - pagkilos nang nanghihinà o tinatamad; pagkapilay Hilahil - dusa; distress; matinding ligalig ng isip o matinding kirot Hilakbot - pakiramdam na pagtinghas ng balahibo dahil sa sindak Himaymay - fiber; tíla sinulid na estruktura na bumubuo sa tisyu ng hayop o haláman; anumang materyal na maihihiwa-hiwalay na tíla sinulid at magagamit sa paghahabi Hinakdal - dalom; pagtatanggol sa sarili sa pamamagitan ng pagdadahilan; daíng o paghingi ng tulong mula sa kinauukulang nakalimot sa tungkulin nitó; kahilingang mabigyan ng masisilungan; hinanakit Hingutuhan - [noun] act of picking lice from one another’s hair Hinihinulihan (mula sa hinuli) - to clean someone’s ears Hinihinukuhan (mula sa hinuko) - to cut someone’s nails Hinuhod - pagbibigay ng pahintulot ; pagpayag Hinuhod - pagbibigay ng pahintulot ; pagpayag Hitit - paghithit ng usok mula sa sigarilyo o tabako Hugong - [ST] ingay o tunog na malalim at mababà Hugos - pagbababâ ng anuman mula sa mataas na kinalalagyan; sabáyang pagsugod ng mga tao Hugpong - joint; bagay na nag-uugnay o nagkakabit sa dalawang bagay; ang púnto na pinagdugtungan ng dalawang bagay; ang karugtong o idinugtong sa dulo upang humabà (naghuhugpong; hugpungan) Hulab - possibly hunab; vapor rising from the ground Hulagpos - freed Hulaw - pagtigil o paghinto ng marahas na pangyayari, gaya ng paghulaw ng bagyo Hulo - pinagmumulan ng agos ng tubig; bahagi ng isang bayan o komunidad na nása gawíng pataas ng isang bundok o libis; o nása ibabâ naman kung pababâ at malapit sa ilog o dagat; ilaya Humpak - nakalundo paloob ang anyo dahil walang lamán, gaya ng pisngi na walang ngipin o ng tiyan ng payat at gutom Huna - karupukan ng isang estruktura (kahunaan = frailty) Hungkag - walang laman Hunos - pagpapalit ng balát, kaliskis, o balahibo ng hayop, isda, o ibon
I
Ibis - pagbabâ mula sa sasakyan Igkas - galaw ng anumang bagay na bumalik sa dáting ayos matapos hilahin o bitawan Ikid - anumang paikot ang pagkaayos, gaya ng ikid ng film, ikid ng sinulid, ikid ng kable Ikmo - halámang baging (Piper betle ) na ginagamit ang dahon na pambalot ng ngangà, malaganap mulang India hanggang Filipinas; lawer sa Pangasinan Ingit - mahinàng iyak ng isang batà o hayop Impit - pagpapaliit ng isang bagay sa anumang paraan; pagpigil sa tawa, iyak, o sigaw; pinigil sa isang kalagayan upang hindi makawala o maibulalas Indulto - noong panahon ng Español, buwis na ipinapataw sa galeon Iwarang - Batangueñong salita; tabinge, hindi pantay (paiwa-iwarang)
K
Kabyaw - pag-ilo o pag-katas ng tubó; pagikot ng paa sa bisikleta Kaibuturan - kaloob-looban o kalagitnaan; “aking kaibuturan” = soul Kakanyahan - kaakuhan; natatanging aspekto ng katauhan ng isang tao; identidad; ang gayon ding pagkakakilanlan ng isang pangkat o bansa bílang tatak ng pagkakaisa Kalabusaw - mabilis at hindi kontroladong pagkampay ng bisig at pagpadyak ng sinumang nag-aaral lumangoy; tunog ng nila-busaw na tubig. Kalamkam - kiliti (pero ginamit ni Tinio para ilarawan ang radyo) Kalaykay - kasangkapang pangkahig ng lupa, karaniwang yarì sa bakal ang ngipin, at gawâ sa ka-hoy ang hawakán Kaligkig - panginginig ng katawan dahil sa ginaw na dulot ng lagnat Kalupi - [ST] katutubòng maliit na sisidlan ng rosaryo; pitaka; portpolyo o anumang sisidlan ng mga papeles at iba pang abubot. Kambas - uri ng tela na matibay at magaspang, yarì sa hemp o flax, o ibang magaspang na himaymay, at ginagamit sa pag-gawâ ng layag, tolda, at iba pang materyales na pinipintahan; canvas Kanlong - natatakpan o nalilili-man; nakakubli sa likod ng kalasag at iba pang harang, kayâ hindi makíta o makakíta (kumanlong sa duguang bangkay ng anak) Kanti - pagkalabit, paghaplos, o pagtama na halos hindi sumayad Kapagdaka - agad Kapara - parang tulad Karat - sex Karsel - bilangguan; karsil Kasi - [ST] pagsanib ng espiritu o pagpasok sa kalooban; “kasihan mo ako ng tapang” Kata - táyong dalawa; ikaw at ako; tayo Kawag - igalaw ang mga bisig at paa, lalo na sa paglangoy o kung nalulunod; paggalaw ng pakpak, buntot, at iba pa; alingawngaw ng boses. Kibot - mahinàng pintig; halos hindi mapansing galaw Kililing - varyant ng kuliling; maliit na batingaw; tunog na nalilikha nito Kipil - pagpikpik ng isang malam-bot na bagay upang magkaanyo, tulad ng pagkipil sa luad Kipkip - paraan ng pagdadalá sa pamamagitan ng pag-ipit sa kilikili, panloob na bisig, at tagiliran Kisap - kislap; kindat Kislot - jerk; paggalaw ng mga hibla ng lamán, lalo na sa mga bagong katay na hayop Kiti - bulâ na nalilikha sa rabaw ng anumang likido bago kumulo Klarete - alak na kulay pulá at nagmula sa katas ng ubas. Korto - shorts Kubol - [ST] isang tíla toreng patulis, na karaniwang ginagawâ sa mga altar kapag ipinuprusisyon; tent Kubyerta - deck; plata-porma sa barko na sumasakop sa buo o bahagi ng lawak nitó at nag-sisilbing palapag Kuna - kámang may sangga ang mga gílid at gamit sa pag-aalaga ng sanggol; crib Kunwa - varyant ng kunwari Kura - upo? Parang sa picnic? Kural - kulúngan ng hayop Kuyom - nakatikom na palad; magkimkim o kimkimin (kuyumin, magkuyom); “humuhulagpos sa kuyom” (metaphor: escaping the grasp of”)
L
Labakara - bimpo Labsak - kalat; labis na kalambutan ng isang bagay, lalo na kung prutas o halámang-ugat Lagaslas - hagalhal; malakas na tunog ng tubig na bumabagsak mula sa mataas na pook gaya ng talón Lagutok - maikli ngunit buong tunog ng butóng binabaltak o inuunat, o ng tabla o kahoy na humaginit, o ng apoy kapag sinusunog nitó ang bagay na hungkag Lambong - shawl; cloak; maitim na pantakip o pantábing sa uluhan ng isang tao o pook; saplot na itim, pantakip sa ulo at mukha, at karaniwang ginagamit sa pagluluksa Lapirot - paglukot at pagdúrog sa pamamagitan ng dulo ng mga daliri Latak - anumang dumi na naiiwan sa ilalim ng sisidlan ng likido Lawas - isang malaki at natatanging koleksiyon, hal lawas ng tubig, lawas pangkalawakan; body Libak - puna na may layuning tahasang maliitin at insultuhin ang pinapaksa; kilos o pahayag na nagmumulâ sa kawalan ng gálang at pagsasaalang-alang para sa isang bagay; contempt, disdain, scorn, kutya Ligas - hibla Ligasgas - pagiging tuyô at magaspang ng balát o rabaw ng anumang bagay Ligwak - pagkakatapon ng tubig o anumang likido mula sa sisidlan Likaw - anyo na nililikha ng kurbang umiikot sa sarili, gaya ng likaw ng lubid o alambre Lilis - itinupi ang manggas ng damit pataas o itinaas ang laylayan ng bestida Limahid - labis na karumihan, lalo na sa katawan at pananamit Limi - pag-iisip mabuti hinggil sa isang bagay o pangyayari Linga - haláman (Sesamun indicum ) na may bilóg na butó na nakakain at nagdudulot ng langis; tumingin sa paligid na tíla naghahanap. Litid - ligament, tendon; matibay na himaymay na naghuhugpong sa mga butó ng tao Liwasan - pook na malawak at karaniwang nása likás na kalagayan para paglibangan ng madla; ginamit ito ni Rofel para tukuyin ang safari Liya - napakaliit at tíla kaliskis na halámang tubig (Lemna paucicostata ) na sapád ang dahon at karaniwang tumutubò sa mga paliguan. Liyad - nakaposisyong pausli ang tiyan Liyo - pagkagulo ng isip ukol sa ginagawâ; pagkahilo nang bigla at panandalian Losa - porselana Luga - pagnananà sa loob ng tainga; utoy Lukayo - lakayo; payaso Lukong - rabaw o bagay na nakakurba paloob, gaya ng panloob na bahagi ng bílog (saluhin ng pinalukong kong palad) Lunoy - lumakad sa tubigán nang hindi naghuhubad ng damit; dumaan sa makipot na bahagi ng isang ilog (paglulunuyan, lumunoy, maglunoy) Luoy - lanta; [ST] pagkabulok at pagkahulog ng bunga o pagkuluntoy ng utong ng babae. Luwat [ST] - tagal ng panahon o oras
M
Maapuhap - paghahanap sa pamamagitan ng kamay Mamad - [ST] maputla dahil sa sakít; lumambot at namagâ dahil sa pagkababad sa tubig Manaka-naka - bihira Mapiho - specify Mariquita - babaeng ibon; babaeng kulisap Masinsin Matarling - mataas at matining na tinig; soprano Medya-agwa - sibi; nakahilig na silungan, karaniwang nakakabit sa dingding ng isang bahay o nakadugtong sa bubong; dagdag na bahagi sa tunay na bahay Mulaga - stare Mulido - [War] panghimagas na gawa sa binayo na kamote, hinaluan ng asukal at kinudkod na niyog, inluto hanggang sa tumigas at inihulma nang pahaba at manipis. Mutawi - tapat na pagbigkas ng mga salitâ; diin ng pagbigkas ng salitâ
N
Naknak - paglalâ ng súgat, karaniwang maraming nanà Nasisino - recognize Nawnaw - simula ng pagdamá (nawnawin ang ulat sa palad mong kapos) Ngisi - grin; pag-ngiti nang banát ang labì at nakalan-tad ang mga ngipin Ngisngis - pagngiti o pagtawa nang nakikíta ang mga ngipin Ngiwi - nakatabingi ang bibig, karaniwan dahil sa lungkot o kawalan ng kasiyahan Ngulontoy - varyant ng kuluntoy; mga buhol na sanhi ng masyadong pagkakapilipit; kupás at lanta, gaya ng kuluntóy na bulaklak at dahon var nguluntóy Nguyngoy - walang patíd na pag-iyak ng batàng nag-aalboroto Nisnis - natanggal o natatanggal na sinulid o himaymay ng anumang hinabing tela, damit, o kumot dahil sa labis na pagkagamit at kalumaan; pagdupok ng damit dahil sa kalumaan o masamâng pagkakakusot
O
Obertura - overture; panimula o pambungad na tugtugin sa komposisyong pang-orkestra, opera, at iba pa; pambungad na negosasyon Olandes - baybay sa Tagalog ng Holandes. Opertoryo - sa simbahang Katolika, pag-aalay ng tinapay at alak sa Eukaristiya ; o ang awit hábang isinasagawâ ito; offertory; paghahandog ng anumang bagay sa altar hábang isinasagawâ ang serbisyong pansimbahan
P
Paboreal -
ibon (Pavo cristatus ) na malakí at may mahabàng buntot na tíla may mga matá; peacock
Pagal - panghihina dahil sa pagod
Paisano - kababayan
Pakak - Antipolo tree
Pakakak - malaking kabibe na hinihipan at ginagamit na panghudyat; tambuli
Pakaskas - minatamis na pulut at niyog, hinulma at pinatuyo sa dahon ng buli, at inayos nang pabilóg Cf Panotsa
Paknit - strip; nabakbak mula sa labis na pagkakadikit
Palara - [ST] puluhan ng palakol na yari sa bakal.
Palo-tsina - palo china planks
Panambil - [ST] tábing sa gilid ng sasakyang-dagat; biyombo - naititiklop na iskrin o tábing
Pangos - pagkagat ng bagay na may katigasan, karaniwan sa pag-pangos ng tubó; ngalngalen sa Pangasinan at Iloko
Palanas - malawak na kapatagan; pook na maaliwalas; baybayin ng ilog na mabato.
Palataw - palathaw; [ST] manipis na itak; maliit na palakol at may maikling hawakan var palataw, palatsaw, palatyáw; hatchet
Palito - tutpik; isang piraso ng posporo
Pandaw - [ST] dumalaw sa pa-ngisdaan o bitag para tingnan kung may húli at kuhanin ito; dumalaw sandali at hindi inaasahan sa kasin-tahan.
Panguman - hinggil sa ugnayan ng dalawang tao bunga ng muling pag-aasawa ng ina o amá, karani-wang itinatambal sa isa pang salita, halimbawa: amáng pangúmán, ináng pangú-mán; madrasta
Panimdim - matin-ding balísa, karaniwang dahil sa sinisikil na samâ-ng-loob var panim-dímin
Pañuelo - dress
Paragos - uri ng kareta, karani-wang yarì sa kawayan at nakatikwas kapag hinila, kayâ ang panghuliháng mga dulo ng mga baras lámang ang nakasayad sa lupa
Payneta - suklay na nakapabalantok at karaniwang pampalamuti sa buhok ng babae; peyneta; tiara?
Payumpong - paypay
Pelus - velvet
Pigtal - natanggal at nalaglag sa kinabibilangang kalakhan, gaya ng dahon o bulaklak na natanggal sa haláman nitó
Pigtas - varyant ng bigtas; sapilitang pinunit o sinirà ang pagiging buo; nagkaroon ng biyak o sirà, gaya ng bigtas na dike o bigtas na damit
Pilantik - mahinàng hagupit ng dulo ng latigo (ang papila-pilantik na kinang)
Pilas - maliit na piraso ng papel, tela, at katulad; púnit o pagpúnit (kapilas; pilasin)
Pilat - bakás ng gumalíng na sugat, pasò, at kauri
Pilipisan - ang magkabilâng panig sa tagiliran ng noo, sa pagitan ng kilay at patilya
Pingas - may píngas o píngal; piningas na tainga; sirà o uka sa gilid ng rabaw ng plato, baso, o banga
Pingki - biglaang pagtama sa isa’t isa ng dalawang bagay na matigas; tunog o kislap ng pagkikiskisan ng dalawang bagay na may katangiang magliyab.
Pinid - sara
Pisi - string; sinulid na yari sa bulak; paraan ng pag-uri sa habà o ikli ng pasensiya, o sa dami ng salapi gaya sa “maikli ang pisì ” o “mahabà ang pisì”
Pitsa - sa sugal, anumang bagay na gaya ng plastik na bilóg o parisukat na may natata-nging halaga at ginagamit bílang salapi; chip
Platika - Kas noong panahon ng Español, pana-langin para sa kumpisal, komunyon, at iba pa na nása loob ng katekismo o pasyon; pahayag
Pukaw - gising o nagising; paggísing mula sa pagkakahim-bing; pag-antig o pagpapagunita sa isang nakalilimot
Pulon - [ST] pagsasama-sama ng mga tao o bagay; pag-pupulupot ng talì, lubid, at kauri
Punebre - tugtog para sa patay o paglilibing.
Punglo - bagay na ginagamit para ipantudla ng target sa pagbaril, karaniwang yarì sa metal at may la-máng pulbura
Puntas - pínong pi-raso ng tela na binuo sa pamama-gitan ng pagborda at ginagamit bílang pandekorasyon sa gilid ng damit, kortina, at katulad; lace
Punyal - balaraw; matulis na patalim na magkabilaan ang talim
Pusali - pook na pina-mamahayan o dinadaluyan ng maru-mi at maitim na likido o tubig
Puswelo - tasa
Puyo - sa ulo, ang bahaging nagbibigay ng likás na hawi sa tungkos ng buhok na nakapaligid dito; alimpuros
R
Rabaw - ibabaw; surface ratay - variant ng datay; pamamalagi nang matagal sa pagkakahiga dahil sa karamdaman; paglalagay ng isang bagay sa sahig nang nakalapat ang lahat ng bahagi
S
Sakong - heel; likurang bahagi ng paa sa ibabâ ng búkong-búkong; bahagi ng sapatos o bota na sumusuporta dito; [ST] naatasan at napipilitan dahil sa dami ng dapat gawin. Salabid - pagsabit, pagkapulupot, o pagkapátid ng paa, gaya sa lubid o alambre Salat - hipo Salimbay - palutang na paglipad nang hindi ikinakampay ang mga pakpak. Salta - lundag; pasok Salunong Samay - pagsasáma-sáma ng mga himaymay para bumuo ng disenyo Sambasamba - mantis; uri ng yerba na mapait. Sambulat - pagkalat at pagtilapon sa maraming piraso Sanggi - sagi Santing - papatinding ínit ng araw o gámit na de-koryente Sapo - pag-apaw ng tubig sa daan o sa taniman. Sasa - magtamasa ng anumang kasaganaan Sasandali - in a moment (alam nilang sasandali pa’y may mga papalit na sa kanila) Sawata - pahayag o kilos ng pagbabawal o pagpigil; pagpígil o pagkontrol sa nagaganap na Serbilyeta - napkin Sibad - anumang kilos o gawa-ing biglaan at mabilis; pnd su·mí· bad, pa·si·bá·rin, mag·pa·sí·bad Siglaw - glimpse Sikdo - malakas na pintig ng puso, lalo na ng isang natatakot Silat - siwang sa pagitan ng mga kawayang sahig Silbato - pito; instrumentong naglalabas ng matinis na tunog sa pamamagitan ng hininga at kara-niwang ginagamit sa pagbibigay ng senyas Silo - bitag (nagpapabitag) Simsim - [ST] pagsipsip upang tikman ; pag-namnam ng lasa; pagpapaka-siyá sa kagandahan ng isang babae Sinamay - [ST] telang maluwag ang hábi, karaniwang yarì sa abaka Singasing - paghingal dahil sa matinding hapo; pagbuga ng singaw o vapor; pagsúka ng pusa nang tumatayô ang balahibo; tila nagbu-buga ng singaw sa ilong na gawain ng toro kapag inaamoy ang báka Singhap - paghinga nang pauntol-untol at hirap na hirap; panganga-pos ng hininga Sinsin - kalagayan ng anumang masinop ang pagkakadikit-dikit, gaya sa sinsín ng paghábi ng tela o paglála ng banig; pagdiriwang ng pa-salamat. Sisne - swan Siwang - bahag-yang bukás, kung sa pinto, bintana, at katulad Sonambulo - sumat; pagsa-salita at paglalakad hábang natu-tulog Sugpong - hugpong Sulib - puwang o espasyo sa pagitan ng dingding at sahig, kisa-me at itaas ng dingding, o ilalim ng káma; pagtatago sa ilalim ng katre o silya. Sulingan - refuge Sulsi - pagtahi sa sirà ng damit, sako, lambat, at katulad Sungaw - pierce Suyod - suklay na may ngiping masinsin; kasang-kapang pansáka na ginagamit na pandurog at pampino ng lupa sa li-náng; masuyod = masinsin
T
Taginting - kalansing; tunog na nalilikha ng nagpipingkiang metal, porselana, at iba pa; matarling Taguangkan - sinapupunan Tahik - lupaing tigang na malayò sa dagat; ilang Talilis - pag-alis ng lihim; “hindi tumatalilis kapag nireretratuhan” Talop - nabalatán o natanggalan ng balát; pag-alís o pagtanggal ng balát Talulot - petals Talungko - paraan ng pag-upô na nakadikit ang binti sa hita at nakabitin ang puwit; posisyon sa pagtae Tarak - pagsaksak nang madiin at iniiwang nakabaon ang patalim sa sinaksak Tatal - pinagtapyasan o pinagtabtaban ng kahoy Tibo - matalim at matulis na organ ng ilang kulisap, gaya ng bubuyog o ilang uri ng isda, at ginagamit bílang proteksiyon; natibo = natusok ng tibo Tigalawa - tigdalawa; two each (ang mga tirahang tigalawang maliit na silid) Tighaw - paggalíng mula sa karamdaman ; pagginhawa mula sa kahirapan (tumitighaw ng anumang uhaw) Tigib - punong-puno (tigib ng dusa) Tigmak - babad; lubhang basâ dahil sa malakas na buhos ng anumang likido, gaya ng tao na tigmak sa ulan, o pader na tigmak sa pintura Tiim - nakaimpit ang labì, ngipin, o bagáng sa pagpipigil o pagtitimpi ng galit o sakít Tikatik - hinggil sa ulan na mahinà ngunit tuloy-tuloy; ganitong paraan ng paggawâ. Tiklis - basket na malakí ang bibig, maluwang ang pagkalála, at may pares ng taingang hawakan Tilamsik - talsik; paglipad o pagkalat ng likido Tilandoy - bulwak ng tubig pataas Tilas - cocoon Timbuwang - matumba nang patihaya, padipa, at pabukakâ Tinis - tinig na mataas, matalim, at nanunuot sa pandinig; kataasan at kalakasan ng tinig. Tiwa - askarid; bulate (tinitiwa) Tiyap - come together Tsubibo - ferris wheel; sasakyang pangkarnabal, napakalakí at tíla nakatayông gulóng, at may mga nakasabit na mga upuán ng tao; carousel; sasakyang pangkarnabal, tíla nakahigang gulóng na umiikot at may mga upuáng hugis kabayo, kotse, at katulad Tudla - punterya; pagpapatama ng patalim, sibat, o punglo sa inaasinta Tugpa - [ST] pagbabâ mula sa bundok o burol túngo sa kapatagan o sa pantalan upang sumakay sa bangka o barko Tulot - allow Tuluyan - prose; nakasulat o binibigkas na wika sa karaniwang anyo nitó at walang tugma at sukat, karaniwang tumutukoy sa katha Tunghay - pagtataas ng mukha Tunghay - pagtataas Tungki - dulo, gaya sa tungki ng ilong Tuod - malakíng ugat ng punò, ngipin, at iba pa Tutop - natatakpan o natatabunan ng kamay o buntot; sa pananahi, ang lupi o lilip sa mga dulo o layláyan ng damit; nahúli sa akto Tuwad - nakahilig pababâ sa harap na ang puwit ay higit na mataas kaysa ulo
U
Ubak - [ST] balakbak; tuyông balát ng punò, palma, at tubó Ulo-ulo - tadpole; butete Ultaw - litaw Untol - pansamantalang paghinto Usal - paulit-ulit na pagsasalita nang pabulong, karaniwan kapag nagsasaulo ng isang aralin. Uwang - [ST] beetle; pag-iyak ng batà; pag-ungal ng hayop, pagtahol ng áso, at katulad.
W
walang-maliw - walang-kupas; walang-hanggan; eternal Wawa - pag-unawa sa sinasabi
Y
Yangyang - pagpapatuyô ng nakasampay na damit sa hangin Yayat - payat Yumi - hinhin Yupyop - paggamit ng katawan bílang takip ng nais bigyan ng init o proteksiyon, gaya ng pagtakip ng inahin sa mga sisiw; pagtatagò ng mukha sa unan, dibdib, o kandungan upang ikubli ang lungkot
Mga Idioma
Pagmamantsa ng pisngi - blush