Ok nagegets na kita. I’ll try to articulate kung paano kita hindi naintindihan noong una. I think it all boils down to how you used the word “thinking”. Meron akong sariling definition nito na hindi nagmatch sa definition mo.
Sidebar lang about definitions. Naniniwala ako na walang objective na definition. Bawat isang tao ay may kaniya-kaniyang gamit sa isang salita. Halimbawa, ang salitang bahay ay idedefine ng isang palaboy kaiba sa definition ng isang haciendero. Ang kahulughan natin sa isang salita ay napaka-personal at may kaniya-kaniyang imahe at kaisapan tayong naka-attach sa kaniya. Kaya worthless pagdebatehan ang proper definition ng isang salita—dahil walang iisang definition. Ang dictionary ay pinagsama-samang kuro-kuro lang ng lipunan (specifically, mga nakapag-aral na lingguists) sa kung paano gagamitin ang isang salita. So ang isang salita ay maaring gamitin entirely different from one society to another. Wala silang objective existence. Sa tingin ko, ito ay isang malaking source ng hindi pagkakaunawaan sa lipunan. Maraming hindi pagkakaintindihan ang maiiwasan kung umupo muna ang mga parties involved para i-clarify kung ano ang ibig nilang sabihin sa mga salitang ginagamit nila.
Ako personally, imbes na iimpose ko sayo ang personal definition ko sa isang salita, I would rather ask you first ano yung ibig mong sabihin nung ginamit mo ang salitang yun, tapos ilalatag ko katabi ng sarili kong definition nung salita at titignan ko kung saan sila nagkakaiba. That way mas maiintindihan kita. At yun yung ininitiate kong gawin rito haha.
Now based sa mga sinabi mo, mukhang mas naipaliwanag mo ng mabuti kung ano ang ibig sabihin nung non-thinking. So I guess, yun ang ipaparaphrase ko rito. Tapos from that, babaliktarin ko lang para maarticulate ko ang definition MO ng thinking:
So para sayo, hindi tayo nag-iisip kapag:
- Lumalabas ang mga imahe at insight sa isip natin ng kusa at hindi ginagamitan ng pagrarason (i.e., ito ang dahilan nito, dahil dito naging ganito kaya ganito, etc.).
- Random ang mga dumarating na imahe at insight.
- At dahil random sila, hindi ka sigurado at hindi mo sila maiintindihan kaagad.
- Kailangang gamitan ng pagrarason upang maintindihan ang random imahe o insight.
- Minsan ang dumarating ay rebelasyon na random rin pero hindi ambiguous, sa halip ginagawa nitong malinaw ang mga bagay-bagay.
- Sa prosesong ito, may malay pa rin tayo (conscious).
Based from these, ang kabaliktaran naman nito na pag-iisip based sayo ay:
- Pagpapalabas ng mga imahe at insight sa isip ng inentional at ginagamitan ng mas maraming effort at pagrarason.
- Ang pag-iisip ay paglikha ng istrutura.
- Dahil may istruktura, may pagkakasunod-sunod ang mga kaisipan at naiintindihan sila.
- Hindi na kailangang gamitan pa ng pagrarason upang luminaw, dahil pagrarason na ito mismo.
- Dumarating ang konklusyon sa dulo ng pagrarason (sa halip na rebelasyon). Ang konklusyon ay ang produkto ng paghahabi ng mga inilatag na kaisipan.
- Sa prosesong ito, may malay din tayo (conscious).
So yan ang definition mo ng thinking based on definition mo ng non-thinking. Naiintindihan na kita at super nag-aagree ako sa difference ng dalawa. Namisunderstood lang kita dahil heto ang definition ko ng pag-iisip:
Para sa’kin, once may malay ka (i.e., hindi ka patay, wala ka sa coma, o hindi ka baliw), automatic gumagana ang utak mo, gumagana ang isip mo, therefore, nag-iisip ka na.
Ngayon kapag may malay ka at gumagana ang utak mo, nagbabago ang intensity ng pag-iisip na yun based on kung ano ang ginagawa mo o nangyayari sayo. Kapag gumagamit ka ng logical argumentation or reasoning, intense ang pag-iisip mo. Ang tawag ko dito ay reasoning o pagrarason. Ngayon, kapag nag-oobserve ka lang, nagiging present, nagmemeditate, may malay ka parin, gumagana pa rin utak at isip mo, therefore nagiisip ka parin, PERO hindi ka nagrarason—nanunuod ka lang at nag-aantay sa kung ano ang darating. Ito na yung katumbas nung definitions mo ng non-thinking sa itaas.
Eto, as usual, diniagram ko:
Ang resolusyon ko mula ngayon ay tatandaan ko ang diagram na ito tuwing gagamitin mo ang mga salitang “hindi nag-iisip” o “hindi gumagamit ng logic”.
Tuwing gagamitin mo ang mga salitang yan, ipapaalala ko lang sa sarili ko na ang ibig mong sabihin (based on my personal definitions), ay “being”.