Art is ultimately just gifts. Art is gifted first to the artist from mysterious bestower. The transfer of art gifts to others builds a community: A gift begins a non-existing relationship and A gift strengthens an existing relationship.
But this only becomes possible if these gifts are given freely in the spirit of gifts. When seen this way, the artist releases and lets go of all the pressure there is to make money out of his art. He doesn’t have to because they are not naturally commodities in the first place.
To support themselves while doing their art, here are Ways that artists can sustain their art in a market economy.
Mahirap presyuhan ang sining dahil likas itong handog. At ang handog, ang mga bagay na pang-alay, ay hindi iniluwal sa panahon ng merkado kundi sa isang matandang-matandang panahon kung saan wala pang salapi at mas matapang pa ang taong umibig ng walang kapalit.
Mahirap presyuhan ang sining dahil ang talento ng artist na ginamit niya para lumikha ay handog lang rin sa kaniya (ng Diyos? ng sansinukob?). Hindi niya binili ang tawag sa kaniya ng sining at hindi niya ito maikakahon sa kahit na anong numero.
Mahirap presyuhan ang sining dahil ang halaga ng sining ay nag-iiba depende sa tumatanggap nito. Ang numero na ikinakabit natin sa isang likha ay representasyon lamang ng palagay ng merkado. Hindi natin pwedeng sabihing akma ang numerong ito sa lahat ng karanasan: ang likhang sa tingin moy limang daang piso ang halaga, sa akin malamang isang libo, sa iba’y baka isang milyon!
Hindi merkado ang tampulan ng sining kundi tao.
Kaya ayos lang na nahihirapan tayong presyuhan ang mga likha natin. Ika nga ni Thoreau, nangangalakal tayo hindi sa mundong ito kundi sa Makalangit na Imperyo.