Raw notes

This is a contest. You have to follow the guidelines and mechanics.

Basahing mabuti yung guidelines and mechanics.

Personal na sanaysay

  • danas/karanasan
  • opinyon/pagninilay
  • damdamin/emosyon

Tungkol lamang ba sa sarili?

Personal na naratibo

  • “I” or Ako (ako-logist?)
  • autobiographical
  • vicarious (hindi ikaw mismo ang nakaranas pero pwede mong hiramin o angkinin ang danas ng iba)
  • self-disclosure (maseselan na pagsisiwalat at pagbubunyag ng sarili; may paraan at namimili ka ng kung ano lang ang isisiwalat)
  • real-life (hindi mo ito inimbento; ordinary instances sa buhay; mas malaking challenge o pagsubok ang pagninilay sa mga karaniwang tagpo, bagay, at situwasyon)
  • dramatization (may license para idramatize, pero dapat base sa totoong buhay; iayos ito para sa mambabasa)

Minsan kailangan mong magkwento kahit personal essay. Gagabayan nito ang mga readers at judges.

Wag ka lang magkwento. Dapat may pagpoproseso. Pagkatapos ng kuwento, dapat may pagninilay. Ano na? Gamitin ang kwento ng my purpose.

Ang mga essays ay pwedeng mapagkamalang stories (pwedeng wag ideclare kung anong genre sila).

Sining ng panganib at siwalat

Jonathan Franzen (novelist who has some essays)

  • realism
  • novels are like reflective essays

Ang pagsusulat ng sanaysay ay parang “influencer.” Nagbibigay ka ng punto, ng opinyon. Hindi lang dapat magentertain sa pagkukwento. Nageentertain ka to bring a point, not just a story.

Sining ng panganib at siwalat

  • personal na danas
  • insidente/tagpo
  • anekdota (suspicious kung totoo o hindi; mas importante yung ibig sabihin ng anekdota kaysa kung totoo ito)
  • paksa (sometimes, your choice of topic means you won already; choose a niche topic; how will my choice of topic will standout? Do something that will make you standout.)
  • isyu/usapin (essays are political tools; but the personal should remain)
  • alaala/gunita (selective memory

Father Roque Feriols

  • pagtuturo ng pilosopiya sa Filipino

When you write a personal essay you endanger yourself dahil nagsisiwalat ka tungkol sa buhay mo o mga tao sa buhay mo.

Isang katapangan ang pagsusulat ng personal essay dahil willing kang isiwalat ang isang bahagi ng sarili mo.

Anong silbi ng personal na sanaysay kung hindi ka tumutulay sa alambre? Gaano kalalim ang bangin? Gaano kaselan ang ibinabahagi mo?

Kailangan ang panganib dahil dito mo mas makikilala ang sarili mo.

Kung karaniwan ang paksa, ang dapat hanapin: ano ang bagong sinasabi ng writer?

Mahalaga ang POV ng writer.

  • Tumingin ka lang ulit sa dati mong ordinaryong karanasan at gamitan mo lang ng ibang lente.

Kailangang lumabas ka. Hindi lang parating tungkol sa sarili mo.

  • pwedeng tagapanood ka lang at ang ihiglight mo ay yung buhay ng iba o ng komunidad

Transnational essays

  • personal essays could thread a universal subject
  • particular ang context and place, pero universal ang subject

Ang personal essayist ay matigas ang ulo.

Open Forum

How to begin an essay?

  • question
  • statement
  • quotation
  • anecdote
  • dialogue

How you start could also be how you end. Just add it.

  • gumamit ng mga eksena
  • element ng gulpi ni gulat: ang first page ba ay hindi ko mabitawan? (first impressions last)
  • don’t start with a statement because that is boring

Kapag hindi siya sure sa kaniyang opening, baguhin niya ang opening kapag tapos na ang opening. Pero pag ginalaw mo ang opening, be sure na magconnect siya sa ending.

How to end an essay?

Don’t summarize the essay for conclusion.

The resolution could be just half. You don’t have to resolve everything. Leave something for the reader to think.

The elaborations should be at the middle.

The ending is just threading with the beginning.

Obligatory silence

How long is “too long”?

Minimum is 10 pages. No maximum.

Safe ka na ng 10-12/ 10-15.

Kung 20-25 yan dapat sobrang ganda niyan na hindi mabitawan. At irationalize mo.

Baka bored na ang readers.

Kung wala kayo sa contest, wala kayo dapat formula sa haba ng essay.

Sa labas ng contest, malayang form ang essay. Maski ang paglabas lang ng kang magnilay ng hindi tapos.

  • Isalaysay ang karanasan.

Indeterminacy at fragmented.

Ang totoong buhay ay hindi parating buo.

Panganib?

Wag mong pangalanan ang iba sa tunay na pangalan. O i-anonymous sila. Consult lawyers to check if they are libelous.

Poor man’s vocabs to avoid libel

  • “di umano”
  • “daw”
  • “raw”

You can use citations

Hindi ka dapat all-knowing. Dapat reflexive ka. Sabihin mong hindi mo alam lahat.

  • Wag sakalin ang reader. Bigyan ng bintanang pwedeng huminga ang reader. Hindi closed wall.
  • Tagapakinig din dapat ang sanaysay.

Truman Capote

  • hindi niya pinapangalanan ang mga celebrities
  • minsan hindi mo pinapangalanan pero masyadong identifiable.

kung hindi pumayag ang tao na pangalanan, palitan ng pangalan or i-shelf

Differences in language

Dapat hindi paroquial at myopic ang pagtingin. Walang boundaries. Dapat magamit sa sarili at labas ng sarili.

Walang purong wika ngayon. Don’t problematize the variants. Be proud of the variants.

Language is dynamic. Recognizing dynamism of language is recognizing that language changes based on a long history of usage.

Don’t be apologetic about the variant of the language you use.

You can use English in dialogues. Pero bawiin mo. Bumalik ka sa wika ng sanaysay.

Genre-blending / Genre-bending

You can mix genres but predominant dapat na essay siya.

If you want to bring a point, you can bend genres.

Photos

No need to add photos (unless it is an ESSENTIAL part of your narrative).

Kung tinanggal yung picture at masisira ang buong essay, ilagay mo siya. Kung tinanggal yung picture at buo pa rin ang essay, alisin mo nalang.

Travel essay

Travel essay basics

  • hindi ito basta byahe lang
  • tungkol ito sa pagtuklas sa sarili lang at sa iba
  • kasama kami sa pagninilay mo dapat
  • “the journey is more important than the destination”
  • babalik ka na bagong tao.

Don’t end without an insight. This is what differentiates feature from essay.


Takeaways

  • Improve on synthesis

What does these different words about walking in Pangasinan tell me about how I should walk?

References

Breis, Niles. 2024 Gawad Bienvenido Lumebra Craft Lectures: Pagsulat Ng Personal Na Sanaysay. Online.