Pagkalipas ni Kristine
Sa Data hindi pa rin nagbabago ang lahat kahit na nagbago na ang lahat. Nabuwal na ang malaking puno sa likuran. Nahulog sa malaking bahay ng kapit-bahay na yumupi sa mataas nitong bakod. Tinatabas ng tauhang pasasahurin ng arawan para pagpirapirasuhin ang mga taong nakapinid sa katawan ng puno. Pero paglabas ng gate walang tigil pa rin sa pagtatawag ang mga trisikel drayber na parang walang nagbago. Umaasang may maisasakay pa ring mga tao.
Sarado ang Velasco gawa ng malaking poste ng kuryenteng nakaharang sa kalsada
Sa Ruby wala pa ring kuryente’t tubig. Pumutok raw kasi ang transformer. Pero maaga pa ring nagbukas ang carinderia
Sa Arayat sinundan ng paslit ang matandang may nakaipit na umuusok na sigarilyo sa bibig. Binigyan nito ng limangpiso ang bata, pambili ng pagkain sa tindahan.
People buying fruits Buying drinking water No drinking water Someone buying ice cream