Ang pag-alis sa relihiyon ng yong pagkabata ay magiiwan sayo ng napakalaking void na agad mong hahanapan ng ipantatalkip. Pagkatapos ng halos sampung taon kong paghahanap ng ipantatakip, natagpuan ko ang isang uri ng pag-iral sa mundo na hinahayaan akong magbago ng isip at tanggaping pwede pa rin akong maging relihiyoso kahit wala na akong relihiyon at kahit malabo pa sa akin ang kahulugan ng salitang Diyos.
Natagpuan ko na ang pananampalataya sa isa ay madalas mahigpit na nakapalibot sa sensitibong relasyon ng isa sa pamilya at maski sa lugar. Nahirapan ako noong una na tahasang putulin ang umbilical cord na nagdurugtong sakin sa mga magulang ko at sa San Jacinto, Pangasinan, kung saan ako lumaki bilang isang saksi ni Jehova. Walong taon nakong hindi sumasamba sa pook sambahan malalakad mula sa bahay namin pero nakatira pa rin ako sa bahay ng mga magulang ko at araw araw ko pa ring nakikita ang mga dating kaibigan sa Kingdom Hall.
Madalas ako noong umalis ng bahay, halos buwan-buwang dumadalaw sa mga kaibigan ko sa Baguio at QC upang maramdamang malayo ako sa relihiyong niyakap ko. Pero noon nagkalockdown noong 2020, naramdaman ko kung gaano ako nag-iisa sa Pangasinan. Noong bahagyang binuksan ang mga borders ng mga lalawigan noong 2021, kaagad akong nagalaabalutan at lumipat sa Los Baños. Bilang lang sa iisang kamay ang mga kakikala ko sa LB noon at marami sa kanila unang maiikita ko sa personal. Subalit pakiramdam ko ang pangungulila ko sa Elbi ay higit na mas magaan kaysa naramdaman ko sa Pngasinan sa gitna ng buhay na kailangan ko nang ilagas.
Madalas akong maglakad noong nasa Pangasinan ako kaya nadala ko ito sa Lb. Nagustuhan ko ang pagllakad dahil napakatalas nitong metapora sa napakaraming bagay tuld ng buhay.
(Discuss throwness of existentialism)
Naramdaman ko ito sa paglipat ko sa Elbi. Para akong itinapon sa isang lugar na walang anumang saysay sa akin. Ang response rito ay either pakikipagtunggali sa lugar o pakikipagkaibigan rito. Pinili kong makipagkaibigan sa pamamagitan ng paghalik ng mga paa ko sa lupa.