Sa Data,
sasalubungin ka agad ng tipak
ng tricycle driver na ubod ng sipag
sa pagtatawag ng pasahero.
Sa Ruby,
makasasalubong mo
ang matandang lalakeng
hawak-hawa ang tungkod
na hindi naman dumadapo ang dulo
sa kalsada.
Sa Bulusan,
maririnig mo
ang alulong ng mga asong
sumasabay sa nakamikroponong awit
ng imam
At sa Lopez,
kikindatan ka ng magtatakoyaking
kabisado na ang pangalan mo’t
ang huling binili mo
sa tindahan sa likod niya.
WHAT I HAVE
Fences block the sea from where I sit,
and so I just listen
to the sound of water plunging on water
then vanishes forever.
***
NO ANTOY WALA
Sasanibay alar so dayat manlapud yuyurongan ko,
katon ondengel ak labat la
ed tanol na danum ya ombabasig ed danum
insan naandi la lawas.
***
KUNG ANO ANG MERON
Tinatakpan ng bakod ang dagat mula sa kinauupuan ko,
kaya makikinig nalang ako
sa tunog ng tubig na humahampas sa tubig
at mawawala na magpakailanman.