Ang paglalakad sa mundong nakasisindak ay pakikipagkaibigan. Hindi lamang sa karunungan tayo nakikipagkaibigan kundi pati sa pinanggalingan nito. Ang mundo, kapwa ang nasa isip at ang pisikal na mundong ginagalawan. Bawat araw na ako’y bumabalik sa aking talaarawan, bawat hapong naglalakad ako sa mga daan, nakikipagkaibigan ako sa mundo.
Posible lamang ang pakikipagkaibigang ito dahil sa pananampalataya. Pagka-iral ko, wala akong anumang kaalaman na susuporta sa pasya kong kilalanin at kaibiganin ang mundo. Nananampalataya ako, sumusuko, na magiging ayos ang lahat kapag sa ganitong paraan ako tumugon.
Magsusulat ako ng libro tungkol sa kung paano mabuhay. Isusulat ko ito dahan dahan sa halamanan ko sa kagubatan. Gamit ang metapora ng paglalakad at pagtatanim