Hihugasan ng magsasaka Ang bukid Gamit ang baga Na nasa dulo Ng salubsob Na hawak niya.
Sinisimulan niya sa dulo Ng isang linya Ng pinaggapasan ng palay, Mga dayaming hindi na nahugot Tapos uulitin niya Sa ibang linya.
Ilang beses nyang gagawin ito Hanggang lumiliyab na Ang lahat ng pinagsakaan niya, Nagliliyab sa apoy na agad hinihipan Ng hangin mula sa hilaga Na mabilis na papatay sa sunog.
Sa paglaho ng apoy Ay lilipad na rin ang kaluluwa niyang usok, Lilipad kasama ng mga pipit Tatawirin nila ang bukid na ito Papunta sa sitiong iyon.
Sa pagdating ng dilim, Iiwan na ng magsasa Ang liyab Usok At anumang naiwang Dumi sa bukid At maglalakad na siya Pauwi.
Mamayang gabi, Habang humihilik siya sa pagod Dahan-dahang mauubos ang usok At ang bukid Na naging ginto bago mag-ani Ay iitim Parang bangkay ng minamahal Na sinunog Sa krematoriya.
Ganito maghugas Ng kasalanan ang magsasaka Sa lupang sinaktan niya. At sasaktan muli Pagkagising niya Mula sa malalim niyang pagkakatulog.
Isinalin mula sa Pangasinan: perdonam iray dumaralos