Madilim ang langit
nung umupo ako
sa harap ng mesa
at libro

nang biglang
nabuksan ang langit
at napunit ang mga ulap

at pinaliguan ng liwanag
ang grills
at jalusi
at bintana
at aking mga mata.


Isinalin mula sa Pangasinan: Say Pikakaaro na Umaanlong ed Bilunget tan Liwawa