Wag mong didibdibin
Ang masidhing pagnanasa mong
Makalanghap ng mahalimuyak na bulaklak

Wag mo silang itanim
Hayaan mong tumubo sila mag-isa
Sa gilid ng daan
Sa singit singit at bitak bitak ng matitigas na bato

Magantay ka
Wag mong didibdibin
Bilog ang mundo
Basta bilog ang mundo
Kahit anong sabihin mo

Bilog ang mundo
Wag mong bibilugin ang ulo ko
Bilog ang mundo