Tingin ko sa’yo
Nung high school mayabang.
Hindi na ngayon

Nakatabi na
kitang matulog noon.
‘di humihilik.

Andami mong girls.
Ako wala. Eh mas
gwapo naman ako.

Apat na taon
wala ka sa buhay ko.
Tas lumitaw ka.

Tumira tayo
sa bahay sa Area 2.
Mabaho CR.

Tumakbo ako
sa’yo nung naghiwaay
kami ng ex ko.

Tas sumunod na
taon. Hiniwalayan
mo naman ex mo.

Grabe ka friend.
Kahit ? ka.
Wag kang magbago.

Bigkasin mo na
lahat ng salita wag
lang ang “silouhette.”

Papanaw akong
may malapad ng ngiti
dahil kay JV.